Thursday , October 3 2024
CENECO NECP Negros Power

Pag-aproba sa prangkisa ng NEPC mahalaga sa buong lalawigan ng Negros – Benitez

ITINUTURING na “milestone” ni Bacolod City Mayor Albee Benitez ang nakatakdang pagpasok ng distribution utility na Negros Electric and Power Corporation (NEPC) sa buong lalawigan ng Negros na hindi lamang magbibigay daan para magkaroon ng maaasahan at murang elektrisidad ang mga residente at mga negosyo bagkus nakatuon din para mapangangalagaan ang kalikasan dahil sa paggamit ng renewable energy sources.

Ayon kay Benitez, kanila nang inaasahan ang positibong pagbabago na ihahatid ng NEPC sa Bacolod City.

“In line with the approval of the Joint Venture Agreement with Cental Negros Electric Cooperative (CENECO), the city looks forward to the entry of NEPC. Promising to bring cheaper and more efficient power supply—-most of all going completely green,” pahayag ni Benitez.

“NEPC aims to implement eco-friendly practices and promote renewable energy sources within our city. By embracing cleaner alternatives and reducing carbon emissions, NEPC endeavors to contribute to the sustainability goals of Bacolod, fostering a greener future for generations to come,” dagdag nito.

Ani Benitez, wala syang nakikitang sagabal sa paglipat ng prangkisa ng CENECO sa NEPC lalo at suportado ito ng mga residente, mga negosyante , local government units at iba’t ibang sector kabilang ang mga non-governmental organizations.

Ang Bacolod City ay isa sa mga lugar sa Negros na nakararanas ng palagiang brownout at isa sa may mataas na power rates sa bansa dala ng matataas na fuel cost at palyadong distribution system, inirereklamo rin ang mahinang customer service.

Isa rin ang Bacolod sa mga major economic hub sa bansa ngunit dahil sa mataas na singil sa koryente ay nagiging hadlang sa pagpasok ng mga investment at bagong negosyo, giit ni Benitez, sa pagkakaroon ng maayos na power supply ay inaasahan na makatutulong ito sa paglago ng ekonomiya ng siyudad.

Ang House Bill 9310 na nagsusulong mabigyan ng prangkisa ang NEPC para maging power distributor sa siyudad ng Bacolod, Bago, Silay, at Talisay, gayondin sa munisipalidad ng Murcia at Don Salvador Benedicto ay kasalukuyang dinidinig ng House Committee on Legislative Franchises na pinamumunuan ni Parañaque Rep. Gus Tambunting.

Hinihintay na lamang ng komite ang isusumiteng mga dokumento ng NEPC, CENECO, Energy Regulatory Commission (ERC) at National Electrification Administration (NEA) at inaasahang maaaprobahan na ang panukala sa committee level, pagkaraan nito ay isasalang na sa deliberasyon sa plenaryo.

Ang House Bill 9310 ay inakda mismo ng mga kongresista sa Negros sa pangunguna nina Negros Occidental 3rd District Rep. Francisco Benitez, Rep. Juliet Marie Ferrer (fourth district), Abang Lingkod Partylist Rep. Stephen Paduano, at Bacolod Rep. Greg Gasataya.

Umaasa si Benitez na bago matapos ang taon ay maaaprobahan na ng Kongreso ang prangkisa upang masimulan na agad ang rehabilitasyon sa buong distribution system ng CENECO.

Una nang sinabi ni Primelectric Holdings Inc., President Roel Castro na nasa P2.1 bilyong investment sa capital expenditures ang kanilang ilalagak sa NEPC.

“It is aimed at putting up cutting-edge and top-of-the-line systems for a better consumer experience. We need to rehabilitate the system because if you don’t put in the investment, you will be inheriting a distribution system that is just the same as now that is inefficient. That’s why we have to put in P2.1 billion to start rehabilitating and improving the system,” paliwanag ni Castro.

Sa oras na maaprobahan ang legislative franchise ay kasunod na hihingi ang NEPC ng certificate public safety convenience and necessity (CPSCN) mula sa Energy Regulatory Commission (ERC), bago ang takeover nito sa CENECO.

About hataw tabloid

Check Also

DOST capacitates 39 DA-SAAD farmers with food safety, good manufacturing practices

DOST capacitates 39 DA-SAAD farmers with food safety, good manufacturing practices

TANGCAL, LANAO DEL NORTE—To provide modern technical guidance and assist farmers in value-adding production, the …

Converge Brgy S2S-Cebu, Matagumpay Mga Cebuano Nagalak sa Pinabilis Na Prepaid Fiber Internet

Brgy S2S – Cebu, Matagumpay: Mga Cebuano Nagalak sa Pinabilis na Prepaid Fiber Internet

Talisay City, Cebu – Nagtipon-tipon ang mga pamilyang Cebuano sa Talisay City Plaza noong Setyembre …

Mindanao gears up for disaster challenges with DOST’s ‘Handa Pilipinas’

Mindanao gears up for disaster challenges with DOST’s ‘Handa Pilipinas’

THE Department of Science and Technology (DOST), through its office in Region XII, has launched …

QCPD Belmonte

Kaligtasan ng QCitizens tiyakin tagubilin ni Mayor Joy sa bagong QCPD

SA PAGPAPALIT ng liderato ng Quezon City Police District (QCPD) kahapon, mahigpit na tagubilin ni  …

100224 PH Under-20 water polo team sasabak sa Malaysia Open

PH Under-20 water polo team sasabak sa Malaysia Open

SASABAK ang Philippine Under-22 water polo team  sa 65th MILO-DSA-PRM Malaysia Open Water Polo Championships …