Thursday , December 7 2023
KD  Estrada Alexa Ilacad

Proposal ni KD kay Alexa pinag-usapan

PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus

NANGGALING naman sa Bicol sina KD Estrada at Alexa Ilacad (plus iba pa) dahil pinasaya nila ang mga deboto ng Mahal na Inang Penafrancia last weekend.

Pinagkaguluhan ang KdLex sa Naga City na nagkaroon ng show para sa mga Bicolano at iba pang mga dumayo para sa nasabing okasyon.

Pinag-uusapan pa rin sa socmed ang sinasabing ‘proposal’ ni KD kay Alexa na siyempre ay ikinasaya ng kanilang mga tagahanga.

By the time na lumabas ito, marahil ay naging bongga din ang pag-uusap sa naging partisipasyon nila sa ABS-CBN Magic Ball.

Samantala sa Albay naman nagpunta ang tropang Gandara Beks nina meme Vice Ganda para naman sa shooting yata ng nasabing project o mayroon ding show o ganap ang tropa.

Kaya pala ilang araw din nating ‘di napanood sa It’s Showtime sina meme though last Friday, Sept. 29 ay personal nitong tinanggap ang award mula sa FDCP (Film Development Council of the Philippines) bilang isa sa mga natatanging ‘comedian icons’ ng bansa.

Hindi pa rin ito nagbibigay ng anumang pahayag kaugnay ng isyu sa MTRCB at sa programa nilang It’s Showtime.

About Ambet Nabus

Check Also

Shawie sa ireretong babae kay Alden: She must be smart and independent woman

ni Allan Sancon ISA sa mga excited mapanood ng mga netizen ngayong Metro Manila Film Festival 2023 ang …

Mallari Piolo Pascual

Piolo ibinaon sa lupa aminadong nahirapan sa Mallari 

ni Allan Sancon HINDI pa man ipinalalabas ang pelikula ni Piolo Pascual na Mallari ay pinag-uusapan na ito dahil …

Robb Guinto

Robb handang mag-frontal kung kinakailangan sa pelikula

RATED Rni Rommel Gonzales MAGKAPATID sina Robb Guinto bilang Erlinda at Vince Rillon sa kuwento ng Vivamax film na Araro. Bakit Araro ang title …

Gladys Reyes Judy Ann Santos

Gladys aayusin concert nila ni Judy Ann

RATED Rni Rommel Gonzales PANALO ang idea ni Gladys Reyes na magkaroon sila ng concert ni Judy Ann …

FEU-ABMC Batch 91 Charity events Christmas Party

Charity events/ Christmas Party ng  FEU-ABMC Batch ‘91 matagumpay

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang kauna-unahang charity ng FEU-ABMC Batch ‘91 na may temang CHRISTmas  With You  sa pangunguna …