Monday , May 19 2025
Miggy San Pablo UPGRADE

Miggy San Pablo ng UPGRADE pinasok ang politika

MATABIL
ni John Fontanilla

MULA sa pagiging miyembro ng sumikat na boyband sa bansa, ang Upgrade, pinasok na rin ng isa sa miyembro nito, si Miguel “Miggy” San Pablo ang politika na tumatakbong konsehal ng baranggay sa kanilang lugar sa Malhacan, Meycauayan, Bulacan.

“Kaya ko po pinasok ang politika dahil na rin sa kinagisnan ko sa aking pamilya, na ang aking ama po ay kapitan ng aming barangay at kagawad naman ang aking nakatatandang kapatid, at saka masasabi ko rin na isa ‘yun sa pangarap ko ang maglingkod sa mga tao.

“Kinalakihan ko na rin po kasi na kasa-kasama ng ama at kapatid ko pagdating sa pagtulong sa tao, nakita ko ‘yung pagmamahal nila sa aming ka-barangay na gusto ko ring gawin kaya ako tumakbo.

“Although tumutulong-tulong na rin ako sa mga kababayan namin sa abot ng aking makakaya. Pero iba kasi ‘pag nakapuwesto ka mas maraming tao ang puwede mong matulungan.”

Ang kanyang amang si Kap Delfin “Dem” San Pablo III at ang kapatid nitong tumatakbong Kapitan na si Delfin “Tikboy” San Pablo IV at ang actor/gobernador ng Bulacan na si  Daniel Fernando ang idolo nito pagdating sa pagiging mabuting politiko.

“Isa po sa tinitingala ko ang gobernador ng aming bayan, si Gob. Daniel Fernando, dahil nagawa niyang mapagsabay ang pagiging public servant at pag-aartista at nakita ko naman po ang napakaraming magagandang nagawa niya sa Bulacan.”

Kahit pinasok na ni Miggy ang politika ay hinding-hindi niya iiwan ang showbiz.

“Sa pagpasok ko sa politika, hindi naman ibig sabihin iiwan ko na ang showbiz, siguro time management lang magagawa ko ring mapagsabay. Pero siyempre mas una para sa akin ang paglilingkod sa aking mga kababayan if papalarin akong manalo sa darating na eleksiyon.”

Kasamang tatakbo bilang konsehal ng Malhacan, Meycauayan Bulacan sina 

Romel Mel Abacan, Chon Certeza, Beverly Cornelio, Dang de Guzman, Chery Dayuta, at Tom Dulalia.

About John Fontanilla

Check Also

Arra San Agustin Jun Nardo

Arra San Agustin ginulat sa pa-birthday party ng fans

I-FLEXni Jun Nardo GUMASTOS nang todo ang fans ng Sparkle artist na si Arra San Agustin na …

Xian Gaza Isko Moreno

Yorme Isko bubuwelta sa mga naninira; Post ni Xian Gaza binura?

I-FLEXni Jun Nardo ISANG matapang na tanong  ang inilabas sa Yorme’s Choice page sa Facebook nitong nakaraang mga araw. …

FFCCCII Wilson Flores Pandesal Forum

FFCCCII may pa-Tiktok Video Competition 

NAPAKA-BONGGA ng inilunsad na Tiktok Video Competition ng Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce and …

Zaijian Jaranilla Jane Oineza mukbang

Zaijian ninerbiyos, napasabak sa mukbangan kay Jane

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez TINILIAN, pinag-usapan, pinagkaguluhan ang trailer ng digital series ng Puregold Channel, ang Si …

Child Haus 2025

Taunang Gift Giving and Feeding project ng TEAM sa Child Haus, matagumpay!

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGING matagumpay ang taunang outreach project ng TEAM (The Entertainment …