Thursday , December 7 2023
Cristy Fermin Lala Sotto

Cristy pinalagan mga nagbabanta kay MTRCB Chair Lala

MA at PA
ni Rommel Placente

DAHIL sa pagpapataw ng MTRCB (Movie and Television Review and Classification Board) ng 12-day suspension sa Kapamilya noontime program na It’s Showtime, may nagpapadala ng death threats sa chairwoman ng nasabing organisasyon na si Lala Sotto.

Pero pinalagan sila ni Cristy Fermin.

Sa pamamagitan ng vlog nito na Showbiz Now Na ay binalaan nito ang mga nagpapadala ng death threat kay Lala.

Sabi ni Cristy, “Alam niyo po, ‘wag po tayong nagbibitiiw ng mga salita na ganyan. Alam niyo po, matakot tayo, mapagbiro ang panahon. Baka mamaya po, sa atin bumalikwas ‘yang mga pinagsasasabi natin.” 

Humanga naman si Cristy sa katatagan at pananatiling tahimik ng MTRCB chair sa kabila ng matitinding patutsada sa kanya ng kanyang detractors.

“Buti na lamang napakalawak ng pag-iisip at mawalak ang puso ni chairwoman Lala Sotto.

“Nakahihiya. Ang lalakas ng loob niyong magsabi na mamatay na sana ang pamilya Sotto pero ang picture niyo tissue. Naku! ‘wag po kayong kasing tapang ng kapapanganak na tigre. Matatapang kayo? Huwad ang katapangan ninyo. Head on kay chairman Lala Sotto, magpakita kayo ng mukha. Hindi po ‘yung ganyan. Peke po ‘yung katapangan ninyo.” diin pa niyang sabi.

About Rommel Placente

Check Also

TVJ on TV5 Eat Bulaga Dabarkads 2

E.A.T. to Eat Bulaga na ba?
TVJ WAGI SA TRADEMARK BATTLE VS TAPE INC

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGBUBUNYI nga ang TVJ, Dabarkads, at mga supporter ng E.A.T., at EB dahil kinansela ng IPO …

Shawie sa ireretong babae kay Alden: She must be smart and independent woman

ni Allan Sancon ISA sa mga excited mapanood ng mga netizen ngayong Metro Manila Film Festival 2023 ang …

Mallari Piolo Pascual

Piolo ibinaon sa lupa aminadong nahirapan sa Mallari 

ni Allan Sancon HINDI pa man ipinalalabas ang pelikula ni Piolo Pascual na Mallari ay pinag-uusapan na ito dahil …

Robb Guinto

Robb handang mag-frontal kung kinakailangan sa pelikula

RATED Rni Rommel Gonzales MAGKAPATID sina Robb Guinto bilang Erlinda at Vince Rillon sa kuwento ng Vivamax film na Araro. Bakit Araro ang title …

Gladys Reyes Judy Ann Santos

Gladys aayusin concert nila ni Judy Ann

RATED Rni Rommel Gonzales PANALO ang idea ni Gladys Reyes na magkaroon sila ng concert ni Judy Ann …