Thursday , October 5 2023
Gari Escobar

Gari Escobar’s 2nd album plantsado na pinamagatang Ikaw Lang

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

KAHIT abala sa kanyang negosyo ang recording artist/businessman na si Gari Escobar, mayroon pa rin siyang time para sa kanyang pagmamahal sa musika.

Very soon ay lalabas na ang second album ni Gari at talagang tiniyak niyang ibang Gari ang mapapakinggan sa kanya rito.

Aniya, “Yes po, sa singing and business ang focus ko ngayon. Yes kuya, pagsasabayin ko ngayon,”

Dagdag ni Gari, “Iyong album ko is an equal balance of happy love songs and ballads with upbeat music.”

Nabanggit din niya ang kaibahan ng kanyang new album sa nauna niyang ini-releae na album bago mag-pandemic.

“Iyong unang album ko, mostly ballads. Dito sa second album ko, isa lang ang malungkot ang melody, the rest ay upbeat na, nag-experiment kasi kami rito, e.

“Ang malungkot na melody ay Iwan Mo Na Ako. Ang iba pang songs rito ay Bakit Hindi Puwede? Love Song Ba? Ikaw Lang, at Ibang-Iba…Bale, isang Pop Rock ito, two Alternative Pop, at isang R&B.”

Dagdag niya, “Iyong Bakit Hindi Puwede ay malungkot ang lyrics, pero ang melody ay hindi.

“Ang carrier single ay Ikaw Lang na expression of how happy one can be, when with somebody he loves, despite the odds.”

Ayon kay Gari, “So, bale eight songs lahat ang second album ko and lahat ito will be available on all digital platforms.”

Isa pang nakabibilib kay Gari, lahat pala ng songs sa new album niya, kabilang siya sa composer.

Lahad niya, “Sa first album ko, two songs are composed by maestro Vehnee Saturno. Samantalang this second album naman, seven songs I composed it with my friend Bong de Guzman, and one song, I composed naman with Rein Operio.”

Mabuti at kaya niyang pagsabayin ang business at ang kanyang love for singing?

“Yes kaya naman, masa-sacrifice lang talaga ang personal life, walang pasyal at no love life,” nakangiting sambit ni Gari.

Si Gari ay nakilala noon sa kanyang mga novelty songs tulad ng Baguio, Lumaban Ka, Dito sa Piling Ko, Hanap Ko Pa Rin, at Ayaw Kong Makita Ka.  Umaasa siyang sa kanyang bagong album, ibang Gari naman ang makikilala ng madlang pipol.

About Nonie Nicasio

Check Also

Maricel Soriano Roderick Paulate LA Santos

LA nakipagsabayan ng acting kina Roderick at Maricel, In His Mother’s Eyes dadaanin sa dasal para makapasok sa MMFF 2023

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio IBANG klaseng kurot sa puso ang naramdaman nang mga nakapanood …

Pete Bravo Cecille Bravo

Celebrity Businesswoman Cecille Bravo natupad pangarap na jingle ng kompanya

MATABILni John Fontanilla NAG-UUMAPAW sa kasiyahan at ‘di naiwasang maluha ng celebrity businesswoman at philanthropist …

 Robin Padilla, Mariel Rodriguez

‘Junior’ ni Robin nag-hello sa live online selling ni Mariel 

MATABILni John Fontanilla USAP-USAPAN at trending sa social media ang aksidenteng pag-hello ng  “junior” ni Sen. Robin …

Troy Montero Aubrey Miles Rocky

Pagkawala ng FB page ng anak nina Troy-Aubrey ‘di makatarungan

PUSH NA’YANni Ambet Nabus WE feel for Troy Montero and Aubrey Miles dahil sa ginawang pag-unpublish ng Facebook sa page ng …

KD  Estrada Alexa Ilacad

Proposal ni KD kay Alexa pinag-usapan

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NANGGALING naman sa Bicol sina KD Estrada at Alexa Ilacad (plus iba pa) dahil pinasaya …