Thursday , September 21 2023
Arjo Atayde Maine Mendoza Rhea Tan Migz Zubiri

Rhea Anicoche-Tan ng Beautéderm, Ninang of the Stars

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

ANG President at CEO ng Beautéderm na si Ms. Rhea Anicoche-Tan ay puwede na rin bansagan bilang Ninang of The Stars.

Katatapos lang kasing magninang ni Ms. Rhea sa kasalang Arjo Atayde at Maine Mendoza na ginanap sa Baguio City, pero kahapon naman ay nasa Bali, Indonesia ang masipag na businesswoman para mag-ninang ulit, this time sa kasal naman nina Maja Salvador at ng non-showbiz boyfriend nitong si Rambo Nunez.

Ang actor/congressman na si Arjo at si Maja ay parehong Beautéderm ambassadors at itinuturing ni Ms. Rhea na kanyang mga baby.

Sa kaunting tsikahan with Ms. Rhea, nabanggit niya kung gaano siya kasaya na maging ninang ng kanyang mga Beautéderm baby.

“Super-happy ako na napili po akong ninang,” panimula niya.

Pagpapatuloy ni Ms. Rhea, “Tapos makikita mo ‘yung entourage super kaunti lang inilalagay nila, kaya kilig po ako na nasama ako sa list.

“Kapag ninang hindi ba, isa ka sa witnesses ng pagmamahalan nila. And you serve as the second parent, na puwede nilang maasahan. Kaya itinuturing ka na bilang parte ng kanilang pamilya.”

“May significant role ang ninang kaya kapag pinili ka nila as one of the principal sponsors, meaning you made an impact sa buhay nila.

“Sobrang honored po. Nakatataba ng puso… ramdam ko na parte ng pamilya nila,” masayang pahayag ni Ms. Rhea.

Ang Senate President na si Juan Miguel “Migz” Zubiri ang nakapareha ni Ms. Rhea sa entourage.

Ilan sa nakasama ni Ms. Rhea bilang mga ninang sina Diamond Star Maricel Soriano, ABS-CBN executive Cory Vidanes, at Quezon City Mayor Joy Belmonte.

Bukod sa pamilya nina Arjo at Maine, kabilang sa celebrities na namataan sa naturang kasalan ang mag-asawang Bossing Vic Sotto at Pauleen Luna, Lorna Tolentino, Kathryn Bernardo, Daniel Padilla, Korina Sanchez, at Kristine Hermosa.

Nandoon din sina Zanjoe Marudo, Julius Babao and wife Tintin Bersola, Alma Concepcion, Ynez Veneracion, Enchong Dee, Helen Gamboa, Aiza Seguerra, at Liza Dino, Allan K, Wally Boyola, ang ABS-CBN executives na sina Carlo Katigbak at Deo Endrinal, at marami pang iba.

Anyway, sa kasalang Maja at Rambo naman ay pinatunayan ni Ms. Rhea na ibang klase siyang ninang dahil hanggang Bali, Indonesia ay ipinaramdam niya ang pagmamahal sa mga inaanak niyang sina Maja at Rambo.

Nag-provide pa kasi si Ms. Rhea ng personalized welcome kit para sa mga bisita ng kanyang bagong inaanak sa kasal.

Kaya sadyang feel na feel ang Beautederm sa kasalang Maja at Rambo, base sa FB post n Ms Rhea:

#BEAUTéDERM Personalized Welcome Kit For

M&R Wedding!  So soo lovee it! #beautédermYan!

BD M&R Pouch with Alcohol, Insect Repellent, sunblock, Mouthspray, Face Mist.

-30-

About Nonie Nicasio

Check Also

Kirsten Anne Almarinez Ara Mina Dave Almarinez Kirsten Almarinez

Kirsten Anne Almarinez puspusan ang pagsasanay para sa Miss Teen Model Universe

NAKABIBILIB si Kirsten Anne Almarinez dahilkahit simula na ang klase, nagagawan pa rin nito ng paraan ang …

Barbie Forteza David Licauco Maging Sino Ka Man trending

Maging Sino Ka Man trending

RATED Rni Rommel Gonzales TINUTUKAN ng sambayanan ang pagbabalik-primetime ng phenomenal love team nina Kapuso Primetime …

Kapuso Mo, Jessica Soho KMJS

Secret Slaves tinutukan at pinag-usapan

RATED Rni Rommel Gonzales MULI na namang ipinamalas ng GMA Public Affairs ang husay sa paggawa ng …

Kapuso Mo, Jessica Soho KMJS Asia Contents Awards

KMJS nominado sa Asia Contents Awards;  Facebook followers 30M na 

RATED Rni Rommel Gonzales MULI na namang itataas ng Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS) ang bandera ng …

Shira Tweg Net25 Starkada

Net 25 ipinakilala 32 talented Starkada

MATABILni John Fontanilla MASAYA ang talented young star na Shira Tweg dahil isa siya sa first batch na …