Wednesday , September 27 2023
Arrest Posas Handcuff

Dalawang dekadang nagtago
MOST WANTED PERSON SA CAMARINES SUR, NASAKOTE SA  PAMPANGA

 Isang lalaki na na wanted para sa kasong murder at nakatala bilang isa sa Most Wanted Person ng Camarines Sur ang arestado ng mga awtoridad sa isinagawang manhunt operation sa Arayat, Pampanga nitong nakaraang Miyerkules, Hunyo 28.

Kinilala ni PRO3 Director PBGeneral Jose S Hidalgo Jr , ang akusado na si Leo Villamor y Camacho alyas “Leo”, 43, residente ng Brgy. Telapayong, Arayat, Pampanga, na arestado ng magkasanib na mga operatiba ng Arayat MPS, 303rd MC RMFB3 at Siruma MPS ng Camarines Sur PPO sa kanyang bahay.

Si Villamor ay may  standing alias Warrant of Arrest para sa kasong Murder under Criminal Case no. 03-765 na inisyu ni Judge Freddie D. Balonzo, Presiding Judge, Regional Trial Court, 5th Judicial Region, Branch 63, Calabanga, Camarines Sur na walang itinakdang piyansa.

Ang akusado, matapos isagawa ang krimen sa Camarines Sur ay nagtago sa loob ng 21 taon bago siya naaresto ng mga awtoridad sa Pampanga.(Micka Bautista)

About Micka Bautista

Check Also

Gun Fire

Ex-CSU ng Malabon namaril ng sekyu

KRITIKAL ang kalagayan sa pagamutan ng isang security guard matapos barilin ng dating kawani ng Malabon City …

Las Piñas City hall

Medical mission sa Las Piñas City 

ISINAGAWA ng Las Piñas local government unit (LGU) ang libreng serbisyong medikal. Kahapon nagsagawa ang …

nbp bilibid

Sa Bilibid, Munti
51 gramo ng shabu nabuking sa dalaw na bebot

HIGIT pang pinaigting ng Bureau of Corrections (BuCor) ang kampanya kontra ilegal na droga at …

Kahit na-hacked
Serbisyo ng PhilHealth tuloy

INIANUNSIYO kahapon ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na patuloy pa rin ang kanilang operasyon, …

ltfrb

Bastos na driver,  may kalalagyan — LTFRB

INILUNSAD kahapon ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang malawakang kampanya laban sa …