Thursday , July 25 2024
Herlene Budol

Herlene Budol nilait ng netizens 

MATABIL
ni John Fontanilla

HINDI nagustuhan ng netizens ang naging sagot ni Binibining Pilipinas 2022 first runner-up Herlene “Hipon” Budol sa question and answer segment ng Miss Grand Philippines preliminaries kamakailan.

Tinanong ito ng isang judge na namangha sa laki ng bilang ng followers nito na umabot na SA milyon sa social media ng, “Apart from your social media following, what else have you got in order to win the crown?”

Sagot ng lead actress ng bagong  soap ng GMA 7 na Magandang Dilag“Thank you for that looong question for me…Charoz…I have a big followers because I have a big heart! O, English ‘yun, ha? Ano nga ulit ‘yung tanong?”

Na inulit naman ng Judge, “What else do you think you have you got in order to win this year?” 

What?” tanong uli ni Herlene.

Sa ikatlong pagkakataon, tinagalog na ng judge ang tanong, “Ano pang mayroon ka maliban sa iyong social media following?” 

“I think this is the right time. Last year siguro po hindi ko oras. Ang sabi nga ng adbokasiya ng Miss Grand is, ano ba ‘yun? World peace and…stop the war and peace…and since I was young (giggles) — ang sarap mag-English — naranasan ko pong ma-bully sa eskuwelahan, mabugbog sa tahanan, at dumayo sa ibang bansa bilang… ay! Dumayo sa ibang bansa, natutukan ng tatlong baril na talagang armalite at naging isang dayuhan. Para sa akin ang solid ng experience na ‘yun. Ayaw ko ma-experience ng iba ‘yon!  

“Kaya bilang Miss Grand, sisimulan ko sa aking experience na ipalaganap sa ibang tao na huwag matakot. Kahit anong pinagdaanan ng mga tao na nakangiti, may katuturan ‘yun. At ikaw ang magiging lakas ng ibang tao upang…maging lakas. Hindi ko ma-explain eh…sana po nasagot ko,” ani Herlene.

Umani ito ng batikos at panlalait mula sa mga nakapanood ng sagot ni Herlene.

Mabilis namang sinagot ni Herlene ang mga taong lumalait sa kanya sa pamamagitan ng post sa kanyang Facebook account.

Sa sobrang kaba ko po hindi ko po na-explain ‘yung kung ano ang gusto ko pong sabihin. Sorry I admit ‘di po ako magaling sa lahat ng bagay and sorry kung nawalan po kayo sa akin ng kompiyansa. Sa isang pagkakamali, i’ll try my best to make you proud. Hindi ko po nilaro ‘di ko lang po talaga na gets ‘yung tanong and I accept it.

Hindi po ako perpekto. Thankyou for those people na naniniwala pa rin po sa akin. “

About John Fontanilla

Check Also

Benhur Abalos Perci Intalan

Birthday ni Sec Benhur dinaluhan ng mga kaibigan sa showbiz at politics; Direk Perci sinagot pasaring ni Atty. Topacio

PUNOMPUNO ang EDSA Shangri-la Hotel noong Biyernes dahil mula sa mga kaibigan   sa showbiz at politics …

Quinn Carillo Christine Bermas Itan Rosales Kaskasero

Christine nakatulong pagiging palaban sa pagpasok sa Wil to Win

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio KAPWA magaling na aktres sina Quinn Carillo at Christine Bermas ng Vivamax kaya mula sa  pagpapa-sexy ay …

Marian Rivera Kath Melendez Nekocee

Kath Melendez ng Nekocee na-starstruck kay Marian

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MALAKING challenge para sa production ng Cinemalaya movie ni Marian Rivera, ang Balota kung paano siya …

Nora Aunor Maricel Soriano Alden Richards

Nora, Maricel, at Vilma triple tie for best actress sa 40th Star Awards

ni ROMMEL GONZALES TABLA, yes it’s a tie sina Dingdong Dantes at Alden Richards bilang Movie Actor of the …

Kumu

KUMU  top live streamers  ng SM Agency gustong pasukin ang showbiz

MATABILni John Fontanilla MAGANDA ang bawat kuwento ng  ilang top live streamers ng  SM Agency na umatend …