Sunday , July 14 2024
Aiko Garcia

Aiko Garcia, all out ang patakam sa High On Sex 2 ng Vivamax

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

PALABAN sa daring at maiinit na eksena ang Vivamax hottie na si Aiko Garcia sa seryeng High On Sex 2 na mapapanood na sa July 2.

Ang High (School) on Sex 2 ay isang hit Vivamax Original Series created by direk GB Sampedro. Bibida rito ang mga up-and-coming at nakakaakit na Pantasiya ng Vivamax na sina Clifford Pusing, Angelica Hart, Apple Dy, Aiko Garcia, Audrey Avila, at Cess Garcia.

Makakasama rin nila sa serye sina Van Allen Ong, Jamilla Obispo, Francine Garcia, Jason Evans, Rolando Inocencio, Gene Padilla, Giselle Sanchez, Matt Francisco, Armani Hector, Aila Cruz, at Armina Alegre.

Panibagong wild experience at kakaibang high school life ang naghihintay sa manonood.

Pahayag ni Aiko sa papel niya rito, “I’m playing the role of Allaine Jurado in HOS 2. I did sexy scenes with Angelica Hart, Armina Alegre, Cess Garcia, Aila Cruz and Armani Hector. “

Gaano siya ka-sexy dito? “All I can say is, it’s all out wildness, sexiness and hotness as Allaine, siya ay  high on sex here and welcome to all gender chick.

“Gender doesn’t matter to Allaine as she’s gender fluid. And to know why she had this kind of perception, you must watch HOS 2,” bitin na wika pa ng magandang talent ni JojoVeloso,

Hindi ba siya na-awkward makipaglampungan dito sa kapwa niya babae?

Esplika ni Aiko, “So far, I haven’t felt any awkwardness. Minsan nga pag kausap ko like mga PantaXa girl na naka-scene ko na and they’re my friends na rin naman, na d’i ko tanda kung paano ko soya hinalikan. It’s like, after every sexy scene, I leave it all behind the set after ng take.

“For love scenes, since I had tried both girls and boys, I don’t really have preference as long as they can do well, marunong o magaling sa bed scene, it gives me the same feeling.”

Anyway, nagbabalik ang paboritong teen comedy! Bagong cast, bagong school, bagong drama at mga haharaping problema, pero ganon pa rin ang kulit at kapilyuhan ng mga bida!

Abangan ang bagong season ng High school serye. Mapapanood na ang High (School) on Sex 2, streaming exclusively sa Vivamax ngayong July 2, 2023, fresh episode every Sunday.

Samahan sila na i-expose ang kanilang mga sarili sa mundo para hanapin at mahalin nang buong-buo ang totoong sila. Walang panghuhusga kahit may kapintasan man, at ine-enjoy lang ang pagiging young, wild, at free.

About Nonie Nicasio

Check Also

Stell Ajero Julie Anne San Jose Gary Valenciano Pablo Nase SB19

Pablo at Gary V tampok sa Julie X Stell concert

RATED Rni Rommel Gonzales MARAMI na ang excited at talaga namang nakaabang sa nalalapit na Julie …

Dapat Alam Mo Susan Enriquez Kuya Kim Atienza.

Tandem nina Susan at Kuya Kim winner sa viewers

RATED Rni Rommel Gonzales MA-ENTERTAIN habang natututo ng maraming bagay Ito ang hatid ng  news magazine …

Kapuso Mo, Jessica Soho KMJS

KMJS paboritong programa ng pamilyang Filipino

RATED Rni Rommel Gonzales PATULOY ang Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS) sa pagiging Sunday viewing habit ng …

Elia Ilano Francisco Marto Jacinta Marto

Elia Ilano bibida sa Miracle of Fatima Musical Play

MATABILni John Fontanilla DREAM come true para sa  FAMAS at PMPC Star Awards for Movies Best Child Actress na …

BI7IB Raymond RS Francisco Atty Aldwin Alegre Atty Honey Quiño

Newbie P-Pop boy group gustong makilala international tulad ng SB19

MARAMING plano ang AQ Prime Music, ang management ng P-Pop Boy Group, ang BI7IB na may bagong single na Say …