Sunday , July 21 2024
Angelica Cervantes

Angelica Cervantes, dapat abangan sa pelikulang Home Service

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

ANG pelikulang Home Service ng Vivamax ang bagong movie ni Angelica Cervantes. Ito’y tinatampukan din nina Hershie de Leon, Mon Mendoza, Itan Rosales, at Vance Larena.

Ang movie ay hatid ng Viva Films at 3:16 Media Network ni Ms. Len Carrillo. 

Nagkuwento ang aktres hinggil sa nasabing pelikula na katatapos lang nilang gawin.

“Ang bago po sa akin is our upcoming film na Home Service directed by Cinemalaya’s direk Ma-an L. Asuncion-Dagñalan and written by Michael Dagñalan. Besides movies, we’re working on our group, VMX Bellas.”

 Aside sa Home Service, may movie o series ba siyang ginagawa?

Pahayag ni Angelica, “So far, no upcoming films aside from Home Service, but Biyak and An Affair to Forget is still streaming on Vivamax.”

Paano niya ide-describe ang pelikulang Home Service?

“Home service for me, is a movie about trust, betrayal and doing everything you can just to survive.

“Ang role ko po rito ay isang wedding planner na nag-offer kay Happy (Hershie) na mag-model for my ‘business partner’ Leo (Mon).”

Nang uisisain kung sino ang ka-love scene niya rito at kung gaano siya ka-daring, bitin ang naging tugon ng aktres.

“Iisa lang din po ang sagot ko riyan every time I get asked that question. and that’s if you want to find out, you should go watch our film once it streams, hehehe.”

Pagdating naman sa co-stars niya sa movie, plus ang kanilang direktor, positibo ang naging reaction ng aktres sa kanila.

“They’re easy to work with po, lalo na ang mga kasama ko sa cast is kakilala ko na talaga and that’s what makes it easier.

“As per direk Ma-an naman po, she won’t stop until okay yung shot. she doesn’t just go with “okay na iyan”. she makes sure na okay yung details and yung execution namin. and besides that, sobrang bait and mahinhin po, hahaha! “

Mula sa dati nilang grupong Belladonnas, nabuo ang bagong all-girls na grupong VMX Bellas. Ano ang feeling na muli silang sumabak sa live show? Na-miss ba niya ang magperform ulit?

Wika ni Angelica, “First time po namin mag-show ulit as a group noong opening ng Viva Cafe, May 25 and yes po, nakaka-miss mag-perform lalo if nakikita ninyong entertained and focused yung mga tao sa’min.”

Ano ang kaibahan ng group nilang Belladonnas sa new group na VMX Bellas?

“There’s not much of a difference besides the fact that this time, we’re from Vivamax. hence the ‘VMX’. It’s just the same old bellas, but we make it a bit more sexy. and this time, I could tell na kahit we’re on the same group, mas makikita kami individually.”

Ano ang plano sa kanilang group na VMX Bellas?

“Hmm… sa ngayon po, I can’t tell because I have no idea. pero we’re planning on rehearsing more para in the future, mas marami pa po kaming maipakita and mai-perform for you guys.”

Magkakaroon ba sila ng digital single or EP?

Tumawa muna si Angelica bago sumagot, “Marami rin pong nagtatanong sa amin about diyan. Kasi, we previously released two songs way back noong Belladonnas pa. but we still have no idea if we’ll have one, but we’re looking forward to it.”

About Nonie Nicasio

Check Also

50th MMFF

Ika-50 taon ng MMFF ipagdiriwang

INILUNSAD ng Metro Manila Film Festival (MMFF) ang pagsisimula ng ginintuang jubilee noong Hulyo 16, 2024, sa …

Jo Berry Lilet Matias Attorney At Law

 Lilet Matias gustong ipagtanggol ng netizens

RATED Rni Rommel Gonzales TINUTUKAN ng mga Kapuso ang pagbawi ng mga inaapi sa hit …

Asawa Ng Asawa Ko naka-1 billion views na

RATED Rni Rommel Gonzales CERTIFIED bisyo ng bayan gabi-gabi ang hit GMA Prime series na Asawa …

Widows War

Biggest murder mystery series ng GMA may 100 million views na

RATED Rni Rommel Gonzales  HOOK ang taumbayan sa biggest murder mystery series ng taon, ang Widows’ …

Vic Sotto Playtime

Bossing Vic nag-Playtime

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio ANG bongga naman ng isang gaming apps dahil nakuha nila ang …