Alex Gonzaga fan grocery

Alex Gonzaga may pa-grocery sa anak ng fan

MATABIL
ni John Fontanilla

PINALAKPAKAN at pinuri ng netizens ang ginawang pa-grocery ni Alex Gonzaga na umabot sa P9,500 ang ipinamili na pang-baon sa school ng mga anak ng kanyang fan.

Ang masuwerteng fan na napili ni Alex mula sa kanyang Dear Alex ay binibigyan ng  tulong  na bukod sa mga biniling pambaon sa mga bata ay sinamahan niya rin ng prutas, pang ulam at marami pang iba.

Tuwang- tuwa naman ang mga bata sa nakuhang blessings mula sa aktres/tv host/vlogger, gayundin ang mga magulang nito na labis-labis ang pasasalamat sa aktres.