Kyline Alcantara Mavy Legaspi

Mavy at Kyline nagliligawan pa lang pero ang kilos parang may relasyon na 

I-FLEX
ni Jun Nardo

NASA courting stage pa lang si Mavy Legaspi kay Kyline Alcantara

Ayon kay Kyline sa guesting niya kay Boy Abunda, sa scale of 1-10, nasa 7 pa lang si Mavy sa panliligaw sa kanya.

‘Yun nga lang, reading between the lines, parang may relasyon na sila, huh.

Para kay Mavy, love is, “Kyline!” gayundin si Kyline. Ipinagtanggol pa ni Kyline si Mavy sa pagiging isa sa hosts ng bagong Eat Bulaga, huh.

Sina Mavy at Kyline ang bida sa bagong series ng Luv Is.

Ngayon lang na-link sa isang aktor si Kyline. Huwag na siyang choosy kay Mavy, ‘no?