Friday , March 29 2024
Lizzie Aguinaldo

Newbie singer suportado ng mga Revilla

HARD TALK
ni Pilar Mateo

AGUINALDO.

Kaapu-apuhan siya ng ating iginagalang na dating pangulo at bayani na si Heneral Emilio Aguinaldo.

Nasa mundo na ng showbiz si Lizzie. Suggestion nga sa kapatid ni Bong Revilla na si Diane (na tumutulong sa newbie singer) at nanay ng dalaga na si Sabel, na mas maganda na huwag na lagyan ng apelyido ang tataglayin nitong screen name.

Papayag ba naman ang angkan ni Lizzie?

May single na siya sa Star Music. ‘Yung Baka Pwede Na si Direk Joven Tan ang sumulat at naglapat ng musika.

Pinabongga ng nanay ni Lizzie ang launching ng single niya sa Luxent Hotel.

Pero noong panahon ng promo ng Kahit Maputi Na ang Buhok Ko, na  pelikula tungkol sa buhay ng songwriter na si Rey Valera, isinasama-sama na sa mall shows si Lizzie. At kumakanta na nga.

Sa pamamagitan ng producer na si Edith Fider at kaibigan nitong si Atty. Billie Lim, naipakilala sa magsasama sana kay Lizzie sa cast ng When I Met You in Tokyo ang dalaginding. Na pinagbibidahan nina Vilma Santos at Boyet de Leon. Hindi siya natuloy doon sa shoot sa Japan. At ang sabi nga eh, dito na lang kukunan ang kanyang mga eksena.

Pero natapos na ang pelikula, hindi na siya naipatawag pa.

Kaya nga sa musika na lang niya magko-concentrate si Lizzie.

Base sa mensahe ng kanta na pinalalaganap ngayon ni Lizzie, awit ng puso na tila nagpapahiwatig sa pagpapalaya ng damdamin ng isang gustong magmahal.

Obviously, tubong Cavite si Lizzie dahil sa kanyang angkan. Kaya naman buo ang suporta sa kanya ng mga taga-Cavite sa lahat ng kanyang ginagawa. Mapa-Santacruzan man ‘yan, Pistang Bayan at marami pa.

Kaya siya rin ang napisil na kunin para mag-endoso ng Lucky Homes Apartments (Camila) na pag-aari ni Atty. Billie Lim. Sa pamamagitan nina Philip Evardone at Ela Mazo, isiniwalat nila kung bakit si Lizzie ang napisil nila para maging mukha ng mga bahay na up for grabs na sa parteng ‘yun ng Cavite (Purok 14 Panungyanan Road Barangay San Agustin, Trece Martires).

At dahil nga Caviteña, pasok na siya sa kalinga ng mga Revilla. Kaya ‘di malayong sumalang ito sa sitcom sa GMA-7.  Pero sa Star Music ang kanta. Ay, ano ba!?

Nasa isang malaking billboard na sa kanyang paaralan sa International British Academy ang mukha ni Lizzie bilang suporta ng mga guro at kamag-aral.

What’s next?

About Pilar Mateo

Check Also

Marissa Delgado Marian Rivera

 Marissa Delgado tagahanga ni Marian, gandang-ganda sa aktres

RATED Rni Rommel Gonzales SI Marissa Delgado, na gumaganap na si Nova, ang masungit na biyenan ni Marian …

Marian Rivera My Guardian Alien

Marian sa alien—parang ang sarap niyang maging kaibigan

RATED Rni Rommel Gonzales NATANONG ang Kapuso Primetime Queen, Marian Rivera kung naniniwala ba siya na totoong …

Donny Pangilinan Belle Mariano DonBelle Cant Buy Me Love

Serye ng DonBelle laging nasa Top 10 sa Netflix

AYON sa lead stars ng top-rating series na Can’t Buy Me Love na sina Donny Pangilinan at Belle Mariano, mas …

Xian Lim

Xian sa love: painful and a magical feeling

MA at PAni Rommel Placente NOONG nakaraang Biyernes, March 22, si Xian Lim ang naging guest sa Fast …

Vina Morales

Vina Morales nanibago, natuwa sa muling paggawa ng pelikula

PUSH NA’YANni Ambet Nabus LAST 2015 pa pala huling nakagawa ng movie si Vina Morales with Robin Padilla. …