Sunday , May 19 2024
Yukii Takahashi Wilbert Ross

TikToker Yukii Takahashi bida rin sa Ang Lalaki sa Likod ng Profile ng Puregold Channel

PATULOY na nagwawagi ang Puregold sa sektor ng retailtainment dahil nakaabang ang mga manonood sa bansa sa pinakabago nitong digital na serye, Ang Lalaki sa Likod ng Profile.

Tampok sa kapana-panabik na serye ang 21-taong gulang na Tiktok sensation na si Yukii Takahashi, na gumaganap na Angge, ang bidang babae. Nagsimulang lumikha ng mga video sa Tiktok si Yukii noong Marso 2022.  Naging patok siya sa kanyang natural na kagandahan at kakayahang magpatawa, at nagkaroon siya ng 8.2 milyon na follower sa nasabing plataporma. Nakuha niya ang atensyon ng Cornerstone Entertainment at naging bahagi siya nito.

Sa kasalukuyan, nagkaroon na ng maraming exposure si Yukii sa industriya–naging host ng reality survival show na Top Class at naglabas ng single na pinamagatang Bounce.

Natutuwa kami sa Puregold sa pagtuklas ng mahuhusay na talento gaya ni Yukii at pagbibigay ng pagkakataon sa kanila na mas gumaling pa, habang patuloy kaming lumilikha ng dekalidad na content sa retailtainment,” ani Ms. Ivy Piedad, Puregold Marketing Manager.

Dahil alam ng Puregold na malaki ang gagampanan ng retailtainment sa hinaharap, sinisikap nitong makagawa pa ng magagandang kuwento para sa mga suki nito.

Sa Ang Lalaki sa Likod ng Profile, katambal ni Yukii ang aktor, singer, at songwriter na si Wilbert Ross na gumaganap bilang Bryce, isang lalaking mahilig sa video games na nahihirapang makipag-usap at makitungo sa mga babae. Pumayag si Angge na maging virtual wingwoman ni Bryce para matulungan niya ang kanyang kuya sa mga bayarin.

Ipinakita sa episode three na nakatulong ang kasunduang ito, at dahil kay Angge, nakakonekta si Bryce sa mga babae. Pero ang pagiging malapit sa isa’t isa ay maaaring magbunga ng iba pa. Nag-iisip ang mga manonood: may namumuo ba kina Angge at Bryce? Totoo na ba ang kanilang mga nararamdaman?

Sa darating na episode 4, magiging interesado naman ang mga tagapanood sa potensiyal nina Angge at Bryce na magkaibigan. 

Tuloy lamang ang masaya at nakakakilig na mga eksena, kasama ang iba pang miyembro ng cast, si Bessie na nanay ni Bryce, ang mga kaibigan niyang sina Genski at Ketch, at si Chili Anne na may gusto kay Bryce.

Sa dami ng mga fan at tagasubaybay na nasasabik sa tambalan nina Bryce at Angge, at natutuwa sa daloy ng kuwento, mukhang nakagawian na ang panonood ng Ang Lalaki sa Likod ng Profile ng mga netizen.

Tunghayan ang susunod na episode sa Ang Lalaki sa Likod ng Profile sa Mayo 13, 7:00 p.m., sa opisyal na YouTube Channel ng Puregold. (MVN)

Narito ang full trailer ng episode 4.

Episode 4 Trailer: https://youtu.be/lcd3wD4xLZQ

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Piolo Pascual Mallari

Piolo Pascual muling nasungkit Best Actor trophy para sa Mallari

MULING nasungkit ni Piolo Pascual ang Best Actor award para sa kanyang pagganap sa Mallari sa katatapos na Box …

Vice Ganda Piliin Mo Ang Pilipinas

Vice Ganda ipinakita ‘problema’ sa ‘Pinas sa Piliiin Mo Ang Pilipinas challenge

MA at PAni Rommel Placente NAG-POST at nakisabay na rin ang Unkabogable Star na si Vice …

Coleen Garcia Billy Crawford

Coleen sa mga humuhusga sa kapayatan ni Billy—He’s more than okay, wala na siyang mga bisyo

MA at PAni Rommel Placente MARAMING lumalabas na haka-haka nang mag-viral ang picture ni Billy Crawford sa …

Miss Lipa Tourism 2024

Ganda ng Lipa ibibida sa buong mundo

MATABILni John Fontanilla LABINLIMANG naggagandahan at lovely candidates mula sa iba’t ibang lugar sa Lipa …

Kira Balinger Kelvin Miranda

Kira  inamin feelings kay Kelvin: may kaunti, ang pogi kasi niya

MATABILni John Fontanilla KAHIT walling nabuong relasyon kina Kira Baringer at Kelvin Miranda, lead actors ng pelikulang, Chances Are, …