Sunday , February 9 2025
Marco Gallo Heaven Peralejo

Marco, Heaven parehong na-excite sa muling pagsasama; May something

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

HINDI maiwasang tuksuhin sina Marco Gallo at Heaven Peralejo sa media conference ng bago nilang romance drama series mula Viva One, ang Rain In Espana dahil noong magkasama ang dalawa sa Pinoy Big Brother: Lucky 7 ay inamin ng aktor na crush niya ang dalaga.

Kaya naman natatawa at kitang-kita na medyo nagkakahiyaan ang dalawa kapag tinutukso. Pero sa totoo lang kitang-kita ang chemistry nina Marco at Heaven kahit nasa stage pa lang sila at nakompirma iyon nang ipakita ang ilang eksena sa naturang romance drama series.

At dahil muli silang magkasama sa project ng Viva One natanong ang mga ito kung kumusta ang muling pagsasama pagkaraan ng pitong taon lalo’t iniuugnay sila noon sa Bahay ni Kuya.

Ani Marco, sobra siyang nagulat nang malamang magkakasama sila ni Heaven pero hindi niya napigilang ma-excite nang muling makita ang aktres. O ‘di ba kilig talaga!

Kasunod nito’y muli niyang ibinuking ang sarili na naging crush niya si Heaven noong nasa PBB sila.

“If people watched PBB, like our batch, I did like her at the time and we lost track of each other. I did recognize her at the same time but it was like a matured version of her,” sambit ni Marco.

Sinabi rin ni Marco na ibang-iba na si Heaven ngayon dahil teen-ager pa nga sila noon.

“Working with her was probably the best work I have ever done. It didn’t even feel like work really,” aniya. “I love the professionalism because we’re really rehearsing. We’re really wanted to give the best that we could. We’re not just playing around on set, we really worked hard for it. I’m really really happy that I got to work with her,”dagdag pa ni Marco. 

Inamin din ni Marco na mas nakita niya ngayon ang iba’t ibang sides ni Heaven.

“While working, I just saw different sides of her that I never knew about and I liked it. I did. And while working with her, I saw how supportive she was which is to me the most important thing.

“I don’t like having drama on set, I don’t like that stuff, and just the fact that she gives me what I need… the only thing I can do is just make her happy on set as well. I did enjoy my time with her. I did,” sabi pa ng binata.

Sa kabilang banda, masaya rin si Heaven na nakatrabaho niya si Marco.

Aniya, “Kung iba po ang kapartner ko, siguro may kulang. Siya kasi talagang inaalagaan niya rin ako at saka ‘yung show po so I’m really happy to work with Marco.

“Si Marco, kapag hindi niyo pa kilala, sobrang serious niya as a person. ‘Yun ang aura na ibinibigay niya pero once na makuha mo na ‘yung kiliti niya, ‘yung humor ni Marco, masarap siyang kasama.

“May times na nasa set kami, hindi maka-take kasi tawa kami nang tawa sa isa’t isa. ‘Yung mga inside joke lang naman,” sabi pa ni Heaven.

Ibinuking naman ng kanilang direktor na si  Theodore Boborol ang closeness ng dalawa.

Anito, “Tinutukso ko na sila before the start of the shoot kasi noong in-announce na sila ‘yung cast, lumalabas ‘yung mga PBB video clip nila noong teenager pa sila.

“Si Marco pala, iniyakan si Heaven tapos may halikan na naganap, first kiss. So, noong first few days (ng taping) sobrang tuksuhan ‘yung dalawa. Tinutukso namin sila sa isa’t isa.” 

Sinabi pa ni direk Boborol na tila may something kina Heaven at Marco.

“After the shoot, napapansin ko sa social media, may something,” giit pa ng direktor.

Sa May 1, 2023, ipalalabas ang The Rain in España, ang unang libro mula sa trending WattpadUniversity Seriesni Gwy Saludes (aka 4reuminct).

Tiyak na magpapakilig nang husto ang romantic comedy series na ito gaya ng mga Wattpad novels na ginawang blockbuster movies ng Viva (Diary ng Panget, Talk Back and You’re Dead, Para sa Hopeless Romantic).

Mula sa pagiging housemates sa PBB, muling magkakasama sina Marco  at Heaven   bilang Kalix at Luna. Sila ang #Kalix.

Si Louisse Natasha “Luna” Valeria ay isang Architecture student. Masayahin at maalalahanin na kaibigan, at seryoso sa pag-aaral. Magkakagusto ito kay Kalix at gagawin ang lahat para mapansin.

Si Kalix Jace Martinez ay kumukuha ng Legal Management kahit alam niyang pagdo-doktor ang pangarap sa kanya ng kanyang ina. Gwapo, mayaman, at matalino, pero may pagka-misteryoso. Hindi niya maiiwasang ma-in love kay Luna.

Sa kabila ng pagkakamabutihan ng dalawa, isang cheating issue ang magtatapos ng kanilang relasyon.  Pero makalipas ang maraming taon, magkikita silang muli.  Isa nang head architect si Luna, at ang head legal counsel ng kanyang kompanya ay si Kalix na may sarili nang law firm.

Ang The Rain in España ay mapapanood  sa Viva One simula sa May 1, 2023.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Gladys Reyes Christopher Roxas

Gladys mahirap pantayan, tumatak na bilang bida-kontrabida

HARD TALKni Pilar Mateo TRULY! Maituturing na Darlingsof the Press ang power couple na sina Gladys …

Herlene Budol Binibining Marikit

Herlene iginiit ayaw nang mainlab sa kapartner

MA at PAni Rommel Placente SA mediacon ng bagong serye ng GMA 7 na Binibining Marikit, inamin ng …

Gandang Gabi Vice Angel Locsin PGT

Ogie Diaz kinompirma, dating show ni Vice Ganda na GGV ibabalik; Angel mapapanood sa PGT?

MA at PAni Rommel Placente IBINALITA ni Ogie Diaz sa vlog nila ni Mama Loi at Tita Jegs na Showbiz Update na ibabalik …

Barbie Hsu Connected Meteor Garden

Barbie Hsu bahagi na ng Pinoy culture

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MARAMI pa rin ang nagbibigay ng kanya-kanyang ‘pasasalamat’ sa yumaong si Barbie …

Maymay Entrata Pia Wurtzbach Heart Evangelista

Maymay posibleng gayahin Pia at Heart, kakarerin projects sa int’l runway

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BONGGA rin ang goal ni Maymay Entrata na re-introduce ang sarili very soon. …