Thursday , April 18 2024
Xian Lim Ashley Ortega Kim Chiu

Xian at Ashley naiintrigang may relasyon, Kim niloloko raw ng actor

RATED R
ni Rommel Gonzales

DAHIL sa pagtatambal nila sa Hearts On Ice ng GMA, nababahiran na ng intriga ang samahan nina Xian Lim at Ashley Ortega.

Sikreto umanong nagkikita ang dalawa at may lihim na relasyon na raw at inaakusahan pa ng mga netizen si Xian na niloloko ang girlfriend niyang si Kim Chiu.

Nadamay din ang coach nila sa figure skating na umano ay kinukunsinti sina Xian at Ashley. Nakatanggap pa ng direct message ang coach na si Ronan Capili.

Sabi raw ng netizen kay Coach Ronan, “Coach ka na rin pala ng panloloko ngayon.

“Paano mo naatim na tulungan ang Xian Lim na ‘yan na lokohin si Kim?

“Paano mo nagawang maging daan para patagong magkita ‘yang si Xian Lim at Ashley Ortega na ‘yan at lokohin si Kim?

“’Wag sana kumita ‘yang show niyo, mga manloloko.”

Dumipensa si Xian tungkol dito, anito, “The coach that you’re talking about is Coach Ronan, my coach since I started being on ice.

“Since day one, siya talaga ang naka-witness ng paghulog ko. And Coach Anna Bermudez, she’s here. She’s our consultant for ‘Hearts on Ice.’

“Actually, ang requirement po rito, ang sabi po nila sa akin from the beginning of the show, ‘O, Xian, maybe you can do some hockey, a little bit of skiing.'”

Kaya naman sineryoso talaga ni Xian ang figure skating training niya lalo pa nga at first time niyang matuto nito habang si Ashley ay talagang figure skater at nakapag-compete na sa ilang Asian countries.

Pagpapatuloy pa ni Xian, “Siyempre, baka kailanganin ni Direk and mga writer also na makasama ko po si Ashley sa mga scene.

“Kaya sabi ko, ‘Sige, mag-training tayo.’ So, we’re really preparing for the time that I get to a certain level na. 

“I did post in Instagram our journey in ice skating. May mga level po kasi ‘yan. There’s five basic levels.

“So finally, noong nakuha ko na ang certificate, puwede na kaming magsama ni Ashley sa ice.

“Because mahirap naman po na isasabak na kami agad at masagasaan namin ang isa’t isa.

“Lalo na po ako. Si Ashley, stable na stable na ‘yan.”

Tiyak daw na maraming nakakakita sa kanila kapag nagte-training sila ni Ashley.

“’Yung mga choreography namin ni Ashley. Siyempre, on ice, we’re dancing.

“Kita niyo naman sa material namin, we’re very much kumbaga, we played on the theme of love.

“We’re expressing love with each other, ‘yung mga character namin.

“So, wala, eh, public. Public ‘yung skating rink. Hindi naman namin puwedeng ipasara kahit gusto namin for safety din, baka makasagasa kami ng mga bata.

“So, we’re skating in public. So ‘yung mga emote-emote namin nakikita ng public.

“Siyempre, nagtataka sila, ‘Bakit ‘yung dalawa, nag-e-emote-emote rito?’

“I think, that’s where it came from. And unlikely na sabihan nila is si Coach Ronan.”

Inihayag din ni Xian na ipinaabot ni coach Ronan sa kanya ang mga galit na messages ng ilang netizens at paglilinaw ni Xian tungkol sa naturang coach. 

“Siya kasi ang nagko-choreo.

“Hindi naman sa ano, but he’s the one in-charge of the choreo.

“He will send me screenshots, may nagse-send sa kanya. 

“Siyempe ‘yung coach, nagulat din siya because he’s just doing his job, ‘di ba?”

Siniguro ni Xian na magkatrabaho o co-stars lamang sila ni Ashley.

“Yes, of course!”

Nilinaw din ni Ashley ang pagkaka-link sa kanila ni Xian.

Naku wala po,” ang natatawang bulalas ni Ashley tungkol sa isyung may namamagitan sa kanila ni Xian.

“Kami ni Xian, we’re just friends.

“Siyempre, nakatatanggap din ako ng mga ganyang ano, almost every single day, pero deadma na lang ako.

“Si Xian din naman, he’s aware of it.”

Totoo raw na may mga netizen na pinararatangan siyang may relasyon umano kay Xian.

“Actually, hindi lang ako, pati siya, eh,” sinabi pa ni Ashley.

About Rommel Gonzales

Check Also

Hajji Alejandro Rachel Alejandro Gino Padilla

Hajji never pang nabastos ng mga batang celebrity

HINDI pa raw nakaranas si Hajji Alejandro na may nakababatang celebrity na bastos o walang respeto. “Kasi …

Streetboys

Streetboys, Manoeuvres, UMD magsasama-sama sa isang concert

RATED Rni Rommel Gonzales NASA Pilipinas ngayon si Spencer Reyes, ang sikat na dancer na member …

Ina Raymundo Will Ashley Adolf Alix Jr

Will itinodo acting sa intimate scenes kay Ina

HARD TALKni Pilar Mateo X & Y.  Sa alphabet kahit nasa dulo, powerful na mga letra. Ginagamit …

Lipa Batangas

Lipa City dinaragsa ng mga turista

DINARAYO ngayon ang Lipa City dahil sa kanilang mga tourist spots at dahil na rin …

Kaye Abad John Lloyd Cruz Chito Miranda Paolo Contis Patrick Garcia

Kaye inamin nahirapang mag-move on noon kay John Lloyd

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ni Kaye Abad sa Fast Talk With Boy Abunda ng GMA-7 noong Biyernes, napag-usapan …