Friday , July 3 2026
Yul Servo Honey Lacuna Manila Film Festival

VM Yul Servo magbabalik-pelikula

RATED R
ni Rommel Gonzales

MATAPOS manalo bilang Vice-mayor ng Manila City, nagpaplano si Yul Servo na magbalik-pelikula.

Nagpaalam na nga siya sa boss niya, kay Manila City Mayor Honey Lacuna-Pangan.

“Actually ngayon nga nagpaalam ako kay Ate Honey, wala pa ako ngayon, kasi dati hindi ko talaga kayang pagsabayin eh, ayoko ‘yung naglalagare ng trabaho, kung hindi makakaistorbo sa schedule ko, titirahin ko, pero kung makaiistorbo sa schedule ko, puwedeng huwag muna.

“Nagpaalam ako kay Ate Honey, ang sabi ko… kasi noong nasa Congress ako, ang trabaho namin sa Congress Lunes, Martes, Miyerkoles, at Huwebes, tapos wala kaming trabaho ng Biyernes, Sabado at Linggo, eh ngayon naman ang trabaho ko naman dito na kailangan ko talagang attend-an eh ‘yung session namin.

“Eh iyon ‘yung pinaka-responsibilidad ko bilang isang legislative, ‘yung Presiding Officer ng Tuesday at Thursday, eh mayroon akong libreng M-W-F, so puwede ako,” kuwento sa amin ni Yul.

And speaking of movies, bubuhayin nina VM Yul at Mayor Honey ang The Manila Film Festival na katuwang ng gobyerno ng Maynila ang Saranggola Media Productions ni Edith Fider.

Si Ms. Fider ang magbibigay ng grant (at least P300k) para sa walong mapipiling screenplay na kasama sa The Manila Film Festival.

Ang TMFF ay bukas sa qualified bonafide students mula sa pribado at pampublikong unibersidad kolehiyo at senior high school.

Ang deadline ng submission ng screenplay entries sa pamamagitan ng e-mail ay sa Marso 10, 11:00 p.m.  at ipadala sa [email protected].

Sa March 20 ang announcement ng selected eight entries, awarding of first tranch of production grants, assignment of mentors, June 2 naman ang submission of completed film and teaser, June 3-24, promotion period, June 17 film screening at ang petsa ng awarding of prizes to follow.

Nasa mediacon din ng The Manila Film Festival noong Februray 10 sa Bulwagang Villegas ng Manila City Hall ang mga direktor na sina Al Tantay at Jay Altarejos na magsisislbing mga mentor ng mga mapipiling kalahok.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

LJ Reyes Philip Evangelista The Village Cookie

LJ Reyes nagbukas ng negosyo sa Amerika

MATABILni John Fontanilla TULUYAN nang iniwan pansamantala ni LJ Reyes ang showbiz at masaya nang naninirahan sa …

SPEEd The Eddys Marriott Hotel

Marriott Hotel tahanan ng The EDDYS

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SA loob ng kumikinang na mga bulwagan ng Marriott Grand Ballroom sa Newport World …

Anjo Yllana TVJ Tito Sotto Vic Sotto Joey de Leon

Anjo talo sa kaso ng TVJ, pinagbabayad ng P3.5-M danyos

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez PINABORAN ng korte angTVJ Productions labansa isinampang kaso sa dating host din ng Eat …

Heart Evangelista

Heart hinay-hinay muna sa trabaho

I-FLEXni Jun Nardo KINAILANGANG pagsabihan pa ni Heart Evangelista ang isang personal assistant na maghinay-hinay sa trabaho …

Ryzza Mae Dizon Kim Chiu

Ryzza ‘di kailangan si Kim para mapag-usapan

I-FLEXni Jun Nardo WAGAS kung makabintang itong mga faney na nagsasabing ginagamit ni Ryzza Mae Dizon si Kim …