Monday , October 2 2023
MMFF  Metro Manila Summer Film Festival

MMFF Summer Edition tuloy na sa Abril

TULOY NA TULOY na ang ‘Summer Edition’ ng Metro Manila Film Festival (MMFF). Ito ang inanunsiyo ng MMFF kahapon kasunod ang pagsasabing 33 pelikula ang ipinasa na para sa festival.

Bale ito ang unang pagkakataaon na magkakaroon ng Summer MMFF na hindi natuloy dahil sa pagkakaroon ng Covid pandemic.

Sa 33, mahigit 20 ay mga bagong entries, habang sampu naman ang umulit na nagpasa. 

Igiinit ng MMFF na walong pelikula lamang ang kanilang pipiliin para sa “official entries” na malalaman sa February 24.

Ayon kay MMFF Chairman Romando Artes masaya siya sa dami ng mga nagsumiteng entries para sa Summer MMFF. Nangangahulugan ito aniya, na bumalik na sa sigla ang industriya ng mga pelikula at excited na ila sa magiging tagumpay ng upcoming event.

“With the record-breaking number of films that have been submitted to us, we can say that our local movie industry is back in their game and is starting to create more quality films again for us to enjoy in the first-ever Summer MMFF,” ani Artes sa isang official statement.

“The MMDA and the film industry are both excited and looking forward to the success of the summer film fest which is another avenue to showcase local talent in making world-class Filipino films.

“The MMFF’s victory is the victory of the whole Philippine film industry.”

Magaganap naman ang Parade of Stars  sa April 1 at mapapanood naman ang “official entries” sa mga lokal na sinehan simula April 8 hanggang 18. Ang Awards Night ay magaganap sa April 11.

About hataw tabloid

Check Also

Joey de Leon

E.A.T, Joey mabilis na humingi ng paumanhin; Showtime deadma

HATAWANni Ed de Leon MATAPOS punahin ng mga tao ang isang joke ni Joey de Leon at …

Kids Toy Kingdom show

Kathryn, Bitoy, at Barbie, wish maging guest sa Kids Toy Kingdom Show ng mga host nito 

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AARANGKADA na ngayong Sabado (Sept. 30) ang Kids Toy Kingdom Show (Season 2) at ipinahayag ng …

Angelika Santiago

Angelika Santiago, waging Young CEO of The Year at Female Best Dressed sa 3rd Diamond Excellence Awards

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SOBRA ang kagalakan ng Kapuso actress na si Angelika Santiago …

Gabby Concepcion David Licauco

Gabby at David bibida sa isang charity show

MATABILni John Fontanilla ISANG napakalaking show ang magaganap sa kaarawan ng kaibigang Genesis Gallios sa Newport Performing …

Nadine Lustre

Nadine trending ang pagtu-two piece sa IG

MATABILni John Fontanilla TRENDING sa social media si Nadine Lustre nang mag-post ito sa kanyang Instagram, @nadine ng mga …