Saturday , April 1 2023

Love Anover magsasabog ng pagmamahal sa LOVE and EVERYTHAAANG!  

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

DADALHIN ng NET25 ang pagmamahal sa inyong mga tahanan sa pamamagitan ng pinakabagong talk show nitong, Love and Everythaaang! tampok ang award-winning personality na si Love Añover.

Kilala si Love sa kanyang pagiging masayahin, matalino, at kakayahang makihalubilo sa mga manonood. Ang mga katangiang ito ang magbibigay-buhay sa Love and Everythaaang! na ang tanging hangarin ay ang magbigay inspirasyon sa mga tao.  

Ayon kay Love, “This show will be able to inspire people to live and appreciate how beautiful life is, na bawat isa sa atin ay may power at skill within us that can and will get us through life no matter the circumstance will be.”

Excited din si Love dahil ito ang kanyang first radio-TV show. Labis ang kanyang pasasalamat sa NET25 management dahil sa regalong ito na ibinigay sa kanya  lalo na’t ise-celebrate niya ang kanyang kaarawan ngayong Pebrero.

“Thankful ako sa NET25, na kabilang ang PANGARAP ko na ito sa kanilang regalo sa akin. Ipinapangako ko naman na gagawin ko ang lahat ng aking makakaya para magawa ang responsibilidad na ito nang maayos at makabuluhan,” sambit pa ni Love.

Nagpahayag din siya ng pasasalamat sa lahat ng kanyang kaibigan na walang tigil na naniniwala sa kanya. Inamin din niya na nahasa ang kanyang kakayahan at talento dahil sa suporta ng production team at ng kanyang mga mentor, isa na rito ang award-winning na mamamahayag na si Ms. Cheche Lazaro.

“I mean, Team LOVE and EVERYTHAANG! is A DREAM TEAM for me. Sila ‘yung mga taong nakatrabaho ko na, kakilala at sa haba nang pagsasama ay naging mga matatalik ko nang kaibigan mula pa sa Probe Productions, Inc. ni Ms. Cheche Lazaro. The values and skills sa paggawa ng mga programa at pagbuo ng mga istorya, ay dala-dala namin hanggang sa ngayon na nakuha namin sa Probe, at babaunin namin siguro magpakailanman.”

Tampok sa Love and Everythaaang! ang iba’t ibang  panauhin, mula sa mga aktor at musikero, hanggang sa mga content creator at negosyante. Nangangako ang programa na magbibigay ito ng bagong pananaw sa mundo.

Samantala, masayang tinanggap ni NET25 President Caesar R. Vallejos si Love bilang bahagi ng lumalaking pamilya ng network. Inamin din niya na isa siya sa mga tagahanga nito. Aniya, “Personally, I am also a fan of hers because of her reports with the Probe Team. It was her line “my English is limited edition” na hindi ko makalilimutan.”

Dagdag pa ni Vallejos, “We also have an aligned vision with her brand—to continue giving laughter and hope to Filipinos not only here in the Philippines but in different parts of the world. 

Sabay na mapapanood sa NET25 at mapakikinggan sa Radyo Agila ang Love and Everythaaang simula Pebrero 13, 2023, Lunes, 11:00 a.m..

Mapapanood ang NET25 sa mga sumusunod na channels: Channel 28 (digital free TV), 25 (Analog free TV), 18 (Skycable), 17 (Cablelink), 14 (Cignal), 18 (destiny), 25 (Satellite), at 38 (G-Sat). (MVN)

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Tiffany Grey Robb Guinto Jiad Arroyo Quinn Carrillo Paupahan Vivamax

Paupahan, hindi dapat palagpasin sa Vivamax simula April 8 

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio KAABANG-ABANG ang pelikulang Paupahan na mapapanood na sa Vivamax sa April 8, …

Rey Valera RK Bagatsing

RK Bagatsing, kinarir ang pagganap bilang Rey Valera

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio GRATEFUL si RK Bagatsing na sa kanya ipinagkatiwala ang pagganap bilang …

Gladys Reyes

Gladys  iyak ng iyak sa celebrity screening ng Apag

MATABILni John Fontanilla EMOSYONAL at hindi naiwasang maiyak ni Gladys Reyes sa special celebrity screening at press …

Eisel Serrano Carlo Aquino

Eisel Serrano natakot kay Carlo Aquino

MATABILni John Fontanilla VERY honest ang baguhang aktres na si Eisel Serrano na isa si Carlo Aquino sa showbiz …

Camille Prats

Camille naibalik nawalang cellphone sa concert

RATED Rni Rommel Gonzales MAY mabuting puso ang motorcycle delivery service na naghatid ng cellphone …