Wednesday , April 17 2024
MTRCB Viva

Vivamax at MTRCB nagkasundo sa Responsableng Panonood campaign

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

pumirma ng Memorandum of Agreement (MOA) ang Movie and Television Review and Classification Board(MTRCB) at ang streaming service naVivamax ng Viva Inc. kamakailan para sa partnership nila na layuning i-promote ang Responsableng Panonood (Responsible Viewership) sa mga Pinoy viewer.

Nakasaad sa MOA, na pareho silang magbibigay ng mga programa at aktibidades na pumoproteksiyon sa mga manonood.

Nangako ang Viva na magpa-practice sila ng responsible self-regulation sa pamamagitan ng pagtiyak sa tamang age-rating advisory ng kanilang Video-On-Demand (VOD) content, gayundin ang pagpapatuloy ng parental control feature para sa mga subscriber within its web applications.

Ang MTRCB,  bilang parte nila ay nangakong makikipag-collaborate sa Viva Inc. para maisaayos ang rating classification nito sa kanilang mga pelikula, advertising, at marketing materials.

Napagkasunduan din ng dalawa na bigyang aksiyon ang anumang content related concerns na ibinabahagi ng public sa maayos na paraan para na rin sa consumer’s well-being.

Sa speech ni MTRCB Chairperson Lala Sotto nang isagawa ang MOA-signing ceremony, sinabi nitong, “The partnership that is forged through this MOA is rooted in our shared concern for the Filipino viewing public.

“As it has done in the past, the Board allows the industry to thrive through the practice of responsible self-regulation while ensuring that each Filipino household shall have access to a safe and comfortable viewing experience.

“My sincere thanks to Vivamax Inc. President Vincent del Rosario and his team for making history as the first Filipino-owned and operated VOD to partner with MTRCB to promote Responsableng Panonood.”

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Hajji Alejandro Rachel Alejandro Gino Padilla

Hajji never pang nabastos ng mga batang celebrity

HINDI pa raw nakaranas si Hajji Alejandro na may nakababatang celebrity na bastos o walang respeto. “Kasi …

Streetboys

Streetboys, Manoeuvres, UMD magsasama-sama sa isang concert

RATED Rni Rommel Gonzales NASA Pilipinas ngayon si Spencer Reyes, ang sikat na dancer na member …

Ina Raymundo Will Ashley Adolf Alix Jr

Will itinodo acting sa intimate scenes kay Ina

HARD TALKni Pilar Mateo X & Y.  Sa alphabet kahit nasa dulo, powerful na mga letra. Ginagamit …

Lipa Batangas

Lipa City dinaragsa ng mga turista

DINARAYO ngayon ang Lipa City dahil sa kanilang mga tourist spots at dahil na rin …

Kaye Abad John Lloyd Cruz Chito Miranda Paolo Contis Patrick Garcia

Kaye inamin nahirapang mag-move on noon kay John Lloyd

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ni Kaye Abad sa Fast Talk With Boy Abunda ng GMA-7 noong Biyernes, napag-usapan …