Wednesday , February 28 2024
Barbie Forteza Jak Roberto David Licauco Dennis Trillo Shirleen Mario Miguel Bautista Ishin

Barbie Forteza ibinuking: Jak pinagseselosan si Dennis at ‘di si David

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

GOOD friends lang daw sina Barbie Forteza at David Licauco kaya naman sobra-sobra ang kanilang pasasalamat sa mga sumusubaybay sa kanilang tambalang Filay, na sumikat at tinangkilik dahil sa kani-kanilang karakter na ginagampanan bilang Fidel at Klay sa blockbuster primetime series na Maria Clara at Ibarra sa GMA Network.

Hindi rin nga makapaniwala sina Barbie at David na tanggap na tanggap ng netizens ang kanilang tambalan bagamat open ang aktres na may karelasyon, si Jak Roberto. 

Sa paglulunsad kina Barbie at David bilang endorser ng Ishin, isa sa most successful at best selling whitening at immune-boosting food supplements sa market ngayon, sinabi ni Barbie na good friends sila ni David.

“Aside from David, I’ve been paired with other GMA leading men na naging kaibigan ko rin naman talaga. I cherish my friendships with them and sabi ko nga kahit napaka-unexpected ng success ng FiLay, hindi ko naman makakalimutan ‘yung lalaking nagpasaya sa akin for the past five years and still counting.

“‘Yung lalaking kasama ko noong pandemic na natatakbuhan ko ng personal struggles ko. The one who I share my victories and struggles with. Kumbaga in-accept niya ako ng buong-buo ganoon din ako sa kanya. Hindi ko naman makakalimutan ‘yun because of FiLay,” paglilinaw ni Barbie.

“But then I’m so grateful for this blessing and success with David right now. We’ve very good friends and to be honest, dito lang kami sa ‘Maria Clara at Ibarra’ naging close dahil pareho kaming introvert. Nagpapasalamat ako dahil sa FiLay, I gained a new friend. Ang dami kong natututunan sa kanya in terms of business,” sabi pa ni Barbie

Nang matanong kung pinagseselosan ba ni Jak si David, sinabi ni Barbie na, “Malaki naman ang tiwala sa akin ni Jak tungkol sa ganyang mga bagay at hindi ko kinailangan na patunayan sa sarili ko. Naiiintidihan naman ni Jak ‘yung trabaho kasi ganito rin ang trabaho niya. So I’m just lucky to have him.”

Ang pinagseselosan ni Jak ay si Dennis Trillo dahil ang aktor ang super crush niya noon pa. 

Mga pa-cute na selos. Mga pa-tweetums niya. Naghahanap ng cuddle ganoon. Mga ganoon lang naman pero nothing serious. Alam naman niya na crush ko si Dennis Trillo. So ‘yung mga time na marami kaming scenes together nasa lock-in kami noon. Sabi niya ‘kumusta ka naman dyan? Kumusta naman kayo ng crush mo?’ ‘Ayun, crush ko pa rin.’ Ganoon lang naman. Napaka-understanding niya at very supportive,” nangingiting kuwento pa ng aktres.

Nilinaw naman ni David na nirerespeto niya ang relasyon nina Jak at Barbie. “Malaki ang respect ko kay Jak. Lagi kong sinasabi kay Barbie napakabait na tao ni Jak. Nakatrabaho ko na sya sa ‘Heartful Cafe’ noong nag-guest siya. Masipag siya at pinaghirapan niya kung nasaan man siya ngayon. I admire Jak as a person kaya respeto lang talaga. Hindi naman ako ‘yung type ng guy na kahit alam ko na may boyfriend ‘yung girl, I’ll make my move. I was never like that. Respeto lang talaga sa relationship nila. 

“Sa FiLay naman, it’s part of the job and Barbie is a good friend. Alam naman namin sa isa’t isa ‘yung boundaries namin. Alam ko naman na maiintindihan ni Jack ‘yun at saka artista rin siya. So I don’t think kailangan ko siyang kausapin kasi understanding at mature siyang tao,” sabi pa ni David.

At bagamat limang taon na ang relasyon nina Barbie at Jak sinabi nitong wala pa silang planong magpakasal. 

“I really need to be ready once mag-settle down na ako. It’s no joke. I can see from my sister na may sarili ng family. Nagkukuwentuhan kami palagi how it is to have a family. So kailangan talaga physically and mentally ready ka, aside from being financially ready. So dapat ko talagang malaman sa sarili ko na handa ako kasi it will be another chapter in my book. So hindi siya dapat agad-agad. It’s a different matter talaga and a very serious thing to do so kailangan talagang handa ka,” sambit pa ng aktres.

Samantala bukod sa isa sa mainit na loveteam ang Filay, aminado ang may-ari ng Ishin na sina Shirleen at Mario Miguel Bautista na tagasubaybay sila ng tambalan kaya kinuha nilang endorser ng kanilang produkto ang dalawa.

“We saw them with our products in their social media accounts and we are happy to note that they are using Ishin. This is the first time we are getting celebrity endorsers for our product and we’re excited that Barbie and David are joining our team.”

“There is no doubt that the FiLay love team is the most popular on-screen tandem today as their characters, Klay and Fidel, are both loved by the show’s avid viewers. We are sure that their endorsement will help further boost the sales of Ishin tremendously,” sabi naman ni Shirleen na aminadong fan ng Filay at sobrang kilig sa dalawa. 

We are glad to be endorsing Ishin and its various variants because of its effectiveness in helping us have great glowing skin and good health. They are a big help especially for busy actors like us na napapagod at napupuuyat sa taping to regain our glow and energy,” ani Barbie.

Sinabi naman ni David na: “Ishin is a big help as it does not only give us smooth skin but also boosts our immune system lalo na kapag pagod na kami sa trabaho. Barbie and I are both thankful to GMA for pairing us in ‘Maria Clara at Ibarra’ that truly helped in forwarding our careers and to Ishin as our first endorsement as the FiLay love team.”

Inilunsad at inumpisahan ng mag-asawa ang Ishin noong October 2022 sa kasagsagan ng pandemic. Layunin lamang nilang makatulong sa mga small business owner at makapagbigay ng high quality glutathione sa kayang-kayang halaga. Mabilis namang tinanggap ang kanilang produkto na sa ngayon ay mayroon na silang 3,000 distributors nationwide.

Nagdi-distribute rin ang Ishin sa Japan, India, Bahrain, Bangladesh, Cayman Island, Hong Kong, Italy, KSA, UAE, Australia, Canada, Taiwan, Kuwait, New Zealand, Spain, Switzerland, Zimbabwe, at USA.

Isa sa mga produkto ng Ishin ay ang Ishin Advanced White, isang whitening supplement na mabibili sa halagang P350 lamang na may 60 capsules per bottle at P550 na may 60 capsules per bottle para sa premium. Ang premium version ay may unique Triple Glutathione complex made with three different form of Glutathione.

Ang formulation nito ay gawa sa Japan, at ang mga ingredient ay glutathione, pear powder, premium collagen peptide, at NAC. 

Ang bagong produkto naman ng ishin ay ang Premiym Soap, Ishin Premium Scrub, at Ishin Premium Lotion.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Jo Berry Lilet Matias Attorney At Law

Jo Berry pangarap ng amang maging abogado natupad

RATED Rni Rommel Gonzales LITERAL na napaluha kami habang nagbabalik-tanaw si Jo Berry sa napakasaklap na karanasan …

Dominic Roque Bea Alonzo

Hiwalayang Bea at Dominic pinagma-maritesan ng mga socialite

COOL JOE!ni Joe Barrameda HANGGANG ngayon ay palaisipan pa rin sa mga netizen ang biglang …

Jo Berry

Jo Berry kabado seryeng papalitan napakataas ng ratings

COOL JOE!ni Joe Barrameda  MATAGAL din nawala Si Jo Berry bago nabigyan ulit ng project sa GMA. Bago …

Angelica Jones Angelo

Angelica Jones sumangguni na sa abogado, ama ng anak idedemanda

NANGINGILID ang luhang ibinahagi ni Angelica Jones na tuloy ang laban sa tatay ng kanyang anak. Sa …

Luke Mejares

Luke Mejares kaliwa’t kanan ang gigs

MATABILni John Fontanilla BUSY as a  bee ang mahusay na singer & composer na si Luke Mejares dahil …