Tuesday , July 16 2024
Imee Marcos

Senator Imee, mapapanood sa vlog ang Kamustahan With Young Farmers

ANG vlog series ni Senadora Imee Marcos para sa buwan ng Enero 2023 ay isasara sa pamamagitan ng two-part special na mapapanood sa kanyang opisyal na YouTube channel kasama ang mga sektor na malapit sa kanyang puso – ang mga magsasaka at ang kabataan.

Sa January 27 (Biyernes) at 28 (Sabado), ipakikita ng walang kapagurang mambabatas ang mga highlights ng katatapos lamang na kanyang pagbisita sa Candaba, Pampanga na nakipag-bonding siya sa mga millennial na magsasaka sa Candaba Trade Center sa isang pagtitipon na pinamagatang Kamustahan With Young Farmers.

Nakipag-chikahan ang Super Ate na si Imee sa mga farmer-entrepreneurs sa isang dialogo na pinag-usapan nila ang mga isyu na nakaa-apekto sa industriyang pang-agrikultura ng bansa. 

Ipinagmalaki din ng mga kabataang magsasaka ang kanilang iba’t-ibang produkto na talaga namang ikinatuwa ni Sen. Imee – mula sa iba’t-ibang mga gulay hanggang sa sibuyas, itlog ng itik, at litsugas hanggang sa kakaiba at Pinoy na Pinoy na malunggay ice cream, na kaagad na naging paborito ng Senadora. 

Samahan sina Senadora Imee at ang mga batang agriculturists ng Pampanga sa kakaiba at nagbibigay liwanag na farming experience na ito at mag-subscribe sa  https://www.youtube.com/c/ImeeMarcosOfficial/featured.

About Nonie Nicasio

Check Also

Maris Racal Rico Blanco Anthony Jennings

Maris nilinis pangalan ni Anthony; Rico pinagtagpo pero hindi itinadhana

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio “ANTHONY is out of the picture.” Ito ang agad na nilinaw …

Bini SB19 Flow G

SB19, Bini pinadagundong ang Araneta, Puregold’s Thanksgiving Concert star studded

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NAKABIBINGI at parang nasira ang aming ear drum sa sobrang …

Alden Richards It’s Showtime

Alden nagkaroon ng biglaang meet & greet sa It’s Showtime 

I-FLEXni Jun Nardo INAKYAT ni Alden Richards ang itaas na bahagi ng It’s Showtime studio nang mag-guest siya sa …

Blind Item, Matinee Idol, Mystery Man

Male Starlet walang maipagmalaking project kahit nakakontrata sa isang kompanya

ni Ed de Leon ANG bagay nga sigurong project para sa isang male starlet ay “Bata. Bata …

James Reid Issa Pressman

James Reid lipas na, inulan ng panlalait sa internet 

HATAWANni Ed de Leon KAWAWA rin naman si James Reid kung noong panahon ng kanyang kasikatan ay …