Tuesday , February 27 2024
KathNielDaniel Padilla Kathryn Bernardo TnT

Daniel Kathryn may bagong pasabog;TNT may pa-Valentine’s treat

TIYAK na marami ang matutuwang KathNiel fans dahil may bagong proyekto sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo. Ito ang TVC campaign ng TNT na Doble GIGA+50.

Isa ito sa maagang Valentine’s Day treat para sa KathNiel fans, na ipinakilala ng value mobile brand TNT si Daniel bilang bagong endorser kasama ang kanyang ‘real and reel life’ partner na si Kathryn.

Binansagang ‘Supreme Idol’ ng kanyang henerasyon dahil sa kanyang karisma at talento, si DJ ay kasama ni Kathryn sa TVC campaign Doble GIGA+50, ang TNT promo na may mas malaking  8 GB data plus Unli Texts to All Networks, na valid for three days, sa halagang Php50.

Dahil sa TNT, mas madali na para sa KathNiel fans na mag-stream at mag-share gamit ang 8 GB mula sa Doble GIGA+ 50 offers – mapa-KathNiel series man o pelikula sa Doble GIGA Videos+50 o sa pag-follow sa mga latest KathNiel updates gamit ang  Doble GIGA Stories+50.

I’m happy and grateful to join TNT kasama si Kath. Together, we’re excited to keep the saya  and kilig going for our fans and for the millions of TNT subscribers nationwide,” saad ni DJ.

We’re very excited to have Daniel at finally makompleto ang ‘KathNiel’ sa patuloy na lumalaking Tropang TNT. We look forward to collaborating with them to give more saya to Filipinos through our value-packed offers, powered by our strongest and widest network, ” sambit ni Francis E. Flores, SVP at Head ng Consumer Wireless Business-Individual at Smart.

Bale itong TNT campaign ang latest project ng KathNiel matapos ang hit TV series nilang 2 Good 2 Be True na kinagiliwan ng maraming fans at naging trending topic sa social media mula Mayo hanggang Nobyembre 2022.

Ang 2 Good 2 Be True ay available sa Netflix at isa sa mga most-viewed series ng nasabing platform sa Pilipinas. Ngayon, mas madali nang mapanood ng fans ang hit series gamit ang Doble GIGA VIdeo+ 50 promo.

Nang tanungin kung paano nila napapanatili ang saya sa kabila ng sunod-sunod na projects, ‘quality time’ kasama ang mga kaibigan at loved ones ang kanilang parehong tugon.

“‘Pag free days, I spend time with Kath or eat together with my family and katropa. I also play basketball and golf,” ani Daniel.

“I like to treat myself to some ‘me time’ once in a while. Gusto ko sa free days ko pinapamper ko ‘yung sarili ko, which for me means spending time with my friends and family, and also surrounding myself with people around me who give me happiness. I like to appreciate the people around me and find happiness through them,” saad naman ni Kathryn.

Ano naman ang plano nila ngayong 2023?

I hope to explore new projects and roles na ‘di ko pa nagagawa. I also hope to be able to perform my music again to a live audience, at sana maging active na ang ‘Johnny Moonlight’ production outfit ko,” ani Daniel.

For 2023, I just want to continue learning new things. I just finished ‘2 Good 2 Be True’ but I feel like there’s still a lot to be explored for me to improve my craft in acting, and I’m looking forward to trying new things that will challenge me. Second is to protect my peace. As much as possible, I choose my battles and find a way to protect that inner peace ,” dagdag ni Kathryn.

Ang mga TNT subscriber ay pwedeng mag-stream ng mga kanilang paboritong video content gamit ang Doble GIGA Video+ 50, na may 2 GB open access para sa lahat ng sites and apps, at 2 GB per day para sa mga video apps tulad ng YouTube, iWanTV, Smart LiveStream, at Netflix plus Unli Texts to All Networks, all for 3 days.

Para naman maging updated sa lahat ng ganap ng social media, pwedeng mag-register sa Doble GIGA Stories+50, na may 2 GB open access para sa lahat ng sites and apps at 2 GB per day sa Facebook, Instagram, TikTok, Twitter at Kumu plus Unli Texts to All Networks, all for 3 days.

Para mag-register sa Doble GIGA+ promos, maglog-in lang sa GigaLife App or mobile wallets, i-dial ang *123#, or sumadya sa mga suking sari-sari store. (MValdez)

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Sylvia Sanchez Lorna Tolentino

Sylvia hataw ang tandem kay LT, Nathan Studios mas magiging aktibo ngayong taon

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MAGIGING abalang-abala ngayong taon ang premyadong aktres na si Sylvia …

David Pomeranz When Magic Hurts

David Pomeranz ipinagkatiwala kantang Got to Believe in Magic sa pelikulang When Magic Hurts

I-FLEXni Jun Nardo PUMAYAG ang foreign singer na si David Pomeranz na gamitin ang kanta niyang Got To …

Blind Item, Man Woman Fighting

Actress-host wa na epek ang pamba-blackmail na magpapakamatay kay poging BF

I-FLEXni Jun Nardo ON and off ang relasyon ng showbiz couple na ang babae ay …

Blind Item, Gay Lovers, matinee idol, male star

Batikang showbiz gay nalansi ni poging kontesero na make-up artist din pala

ni Ed de Leon MINSAN talaga ano man ang talino ng matsing, nau-unggoy pa rin. …

Vilma Santos

Ate Vi sa fans — Hindi ako magsasawang bigyan ng priority ang kanilang kasiyahan

HATAWANni Ed de Leon ANO nga ba ang halaga ng isang acting award? Bigyan ka …