Tuesday , February 27 2024
Carlo Aquio

Carlo gagawa ng pelikula sa Japan

MA at PA
ni Rommel Placente

BONGGA si Carlo Aquio dahil sasabak siya sa kanyang kauna-unahang international project, huh! So, isa na siyang international actor.

Ang exciting news ay ibinandera mismo ng Star Magic Head na si Lauren Dyogi sa isang Instagram post.

Proud na ibinahagi ni Lauren na ongoing na ang taping ni Carlo sa Tokyo, Japan at kasama ang ilang sikat na Japanese artists.

Sey ni Lauren sa IG, “As Star Magic ventures into international collaboration for our artists, Carlo starts filming his latest project in Tokyo co-starring with Japanese Hollywood actor Takehiro Hira (Snake Eyes) and Sho Ikushima.

“Also playing an important role is another Star Magic Artist and half Japanese Kei Kurosawa.

“This film is being directed by Donie Ordiales who studied Film in Japan and is currently based in Tokyo as well.”

Proud na sinabi ni Lauren sa social media na maganda ang collaboration nina Carlo at ng nabanggit niyang veteran international actors.

Iba energy nila together. What a privilege to witness this cinematic magic unfold,” caption ni Lauren sa isang IG post.

Congratulations Carlo!

Nagkatotoo na naman ang kasabihang kapag may nawala sa ‘yo ay may darating namang kapalit.

Kasama sana si Carlo sa Netflix hit series na Squid Game, pero hindi siya natuloy doon dahil hindi siya makakabiyahe noong kasagsagan ng pandemic

About Rommel Placente

Check Also

Sylvia Sanchez Lorna Tolentino

Sylvia hataw ang tandem kay LT, Nathan Studios mas magiging aktibo ngayong taon

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MAGIGING abalang-abala ngayong taon ang premyadong aktres na si Sylvia …

David Pomeranz When Magic Hurts

David Pomeranz ipinagkatiwala kantang Got to Believe in Magic sa pelikulang When Magic Hurts

I-FLEXni Jun Nardo PUMAYAG ang foreign singer na si David Pomeranz na gamitin ang kanta niyang Got To …

Blind Item, Man Woman Fighting

Actress-host wa na epek ang pamba-blackmail na magpapakamatay kay poging BF

I-FLEXni Jun Nardo ON and off ang relasyon ng showbiz couple na ang babae ay …

Blind Item, Gay Lovers, matinee idol, male star

Batikang showbiz gay nalansi ni poging kontesero na make-up artist din pala

ni Ed de Leon MINSAN talaga ano man ang talino ng matsing, nau-unggoy pa rin. …

Vilma Santos

Ate Vi sa fans — Hindi ako magsasawang bigyan ng priority ang kanilang kasiyahan

HATAWANni Ed de Leon ANO nga ba ang halaga ng isang acting award? Bigyan ka …