Wednesday , February 21 2024
Bea Alonzo aeta zambales

Netizen na nagbigay-malisya sa pagtulong ni Bea lagot, winarningan

MA at PA
ni Rommel Placente

ISANG netizen na gumamit ng Twitter account na @ALOveyoutoo ang binigyang malisya/kulay ang kabutihang ipinakita at ipinadama ni Bea Alonzo, at ng kanyang pamilya sa mga kababayan nating Aeta na naninirahan sa tabi ng Bea Firma farm ng aktres sa Zambales.

Ang mga Aeta ang mga kapitbahay na inimbitahan, pinatuloy, ipinagluto, at pinakain ni Bea at ng kanyang pamilya sa Bea Firma.

Ayon sa netizen, na nagpadala ng mabigat na paratang kay Bea at sa pamilya nito, na inagaw o kinamkam nila ang lupa na pag-aari ng mga katutubo.

That’s nice, now how about giving their land back,” komento ng netizen.

Dahil dito, naglabas ng opisyal na pahayag ang legal counsel ni Bea na si Atty. Joey V. Garcia ng GERA law firm upang pabulaanan ang ikinakalat na paninira ng netizen.

Nakasaad dito: “It is unfortunate that a certain ‘aloveyoutoo’ made a very irresponsible & highly outrageous statement on Twitter asserting that Ms. Bea Alonzo should give ‘their – (referring to Aetas) land back.’

“For the record, our client vehemently opposes that baseless and very unfair accusation. She and her family are the absolute and registered owners of the parcels of land in Zambales, acquired through legal and valid means.

“Let this message serve as a stern & final warning to that fellow who made the disparaging remarks against Ms. Bea Alonzo on social media to retract his/her unfounded accusation and to cease from further making defamatory statements that bring disrepute to our client.

“Otherwise, we shall be constrained to initiate all the appropriate legal actions against him/her in no time.”

Handa ang legal counsel ni Bea na magsampa ng kaukulang reklamo laban sa netizen kapag hindi nito  binawi ang paninira at kasinungalingang ikinalat niya sa social media.

Ang ibang netizen kasi, walang magawa sa buhay kundi mag-comment ng  kahit hindi naman totoo. Ayan, dahil sa malisyosong comment ni @aloveyoutoo, baka mademanda siya kung hindi niya babawin ang komento niya.

Nagmagandang-loob na nga si Bea sa mga Aeta, tapos siniraan pa siya.

About Rommel Placente

Check Also

Ryza Mae Dizon Enrique Gil

Ryza Mae nawindang sa halik ni Enrique

I-FLEXni Jun Nardo GRABE rin ang naging kilig ni Ryza Mae Dizon nang maging contestant  si Enrique Gil sa …

Maris Racal Rivermaya

Maris Racal umeksena sa concert ng Rivermaya: Rico My Oppa!

I-FLEXni Jun Nardo KINABOG ni Maris Racal ang lahat ng nanood ng reunion concert ng bandang Rivermaya nitong nakaraang …

marriage wedding ring

Magkakarelasyong bakla ‘di tamang bigyan ng bendisyon sa simbahan

ni Ed de Leon DITO sa showbusiness marami kaming nakakasamang bakla sa aming trabaho. Ok …

Jennylyn Mercado Dennis Trillo Dylan

Dennis at Jen tiyak na magtatagal

INAMIN nina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo na may panahon palang muntik na rin silang maghiwalay dahil sa selos. …

Kris Aquino Boy Abunda Bimby Josh

Kris initsapwera sina James at Ipe, Josh at Bimby ‘di inihabilin

HATAWANni Ed de Leon HINDI namin malaman kung humihingi ba ng awa si Kris Aquino at ngayon …