Wednesday , June 12 2024
Cignal Connect

Koneksiyon sa malalayong lugar pwedeng-pwede na sa Cignal Connect Prepaid

MAY bagong hatid na prepaid packages ang Cignal Connect, ang kauna-unahang unlimited Postpaid Satellite Broadband service sa bansa. Sa pamamagitan ng Cignal Connect Prepaid, madali nang maka-access sa internet ang mga subscriber kahit sa malalayong lugar at isla sa Pilipinas.

May mga flexible data packs ang Cignal Connect Prepaid, mula 10 GB hanggang 70 GB, para sa flexible internet connectivity. Bukod sa flexible terms na magbayad lang sa internet na gagamitin, madali ring makakapag-load ang mga subscriber sa pamamagitan ng kanilang sariling self-service portal. Wala rin itong lock-in period o monthly service fee, kaya tunay na worry-free ang Cignal Connect Prepaid. Hindi katulad ng ibang data-capped satellite broadband sa bansa, ang Cignal Connect Prepaid ay may mga selected pack na hindi nagre-reset kada buwan (mas mataas na data pack, mas matagal ang magiging validity period). Para sa mga gusto pa rin ng unlimited access kada buwan, available rin ang Cignal Connect Postpaid plan.

In line with our commitment to make internet available to every Filipino home wherever they are in the country, we are providing a better and more accessible option for our subscribers. With our new Cignal Connect Prepaid product, internet connection, no matter how far, is made more flexible and available to everyone,” ani Cignal President at CEO Robert P. Galang. 

Ang Cignal Connect Prepaid ay swak para sa mga subscriber na may flexible lifestyles na naghahanap ng reliable at on-demand internet access – tulad ng rest houses, farms, resorts, o sa mga gusto ng backup internet service. Sa Cignal Connect Prepaid, pwedeng mag-top up ang mga subscriber ng kanilang preferred data pack kung kailan nila ito gagamitin..

Ang mga interested subscribers ay pwedeng pumunta sa pinakamalapit na Cignal dealer, tumawag sa Cignal Sales sa (02) 8888-5555, o mag-email ang [email protected]. Para sa karagdagang impormasyon, maari ring bumisita sa cignal.tv/connect.

About hataw tabloid

Check Also

Migz Zubiri Pope Francis

Pope Francis binulungan si Migz: Protektahan ang pamilyang Filipino

“PINAKIUSAPAN ako ni Pope Francis to ‘protect the family,’ at isasapuso ko ang sinabi niyang …

Imelda Papin PCSO

Imelda Papin kompiyansang maraming matutulungan sa kanyang Isang Linggong Serbisyo

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio KAHAPON ang unang araw ng OPM icon at Jukebox Queen Imelda …

Grae Fernandez Pamilya Sagrado

Grae Fernandez walang kabang nakipagsalpukan kina Piolo, Tirso, at Mylene

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio HINDI agad namin nakilala si Grae Fernandez nang mapanood ito sa celebrity …

Lae Manego

Asia’s Queen of Fire Lae Manego may concert sa Pier 1 

MATABILni John Fontanilla MAGKAKAROON ng konsiyerto ang tinaguriang Asia’s Queen of Fire at International singer …

Elisse Joson McCoy de Leon

Elisse ipinagtanggol si McCoy: Don’t put him in a box, he’s a person not a label 

MATABILni John Fontanilla HINDI nagustuhan ni Elisse Joson ang pagma-marites sa kanya na umano’y cheater ang kanyang …