Thursday , March 30 2023
Paco Arespacochaga Cedric Escobar

Protegee ni Paco Arespacochaga susubukan ang kapalaran sa ‘Pinas

MA at PA
ni Rommel Placente

IPINAKILALA kamakailan sa entertainment press ng dating drummer ng Introvoys na si Paco Arespacochagaang protegee niya na isang singer din, si Cedric Escobar, 21. Naka-base ang binata sa New York City at doon siya kumakanta. Pero ngayon ay nasa ‘Pinas for good, para rito niya subukan ang kapalaran bilang isang singer.

“Natutunan ko po sa pagkanta ko sa America, ang sarap pong magkaroon ng market na Filipino. Kasi katulad sa Introvoys, ‘pag kasama ko po sila (sa show), mayroon silang fans na parang..nandoon kasama nila since nagsimula sila. And  gusto ko po ‘yung ganoon na kapag-loyal na fan base katulad ng mga Filipino,” sabi ni Cedric nang makausap namin.

Ikinuwento ni Cedric kung paano silang nagkakilala ni Paco.

“Noong 2021 po  nakasama ko sila sa ‘Introvoys US Tour nila.’ And since then, I think. po nagustuhan nila ako, so isinasama na nila ako sa ibang gigs nila.

Ano ba ang genra niya?

Actually po I grew up singing RNB songs. Pero  ngayon po tinuturuan ako ni Kuya Paco ng ballads and love songs. Mas naa-appreciate ko po ‘yun at ganoon po ang ginagawa ko ngayon.”

Si Jaya ang paboritong local singer ni Cedric.

“Super idol ko po si Mama Jaya. Nakasama ko na po siya, naging close na rin po kami. Parang nanay ko na po siya. Super idol  ko po talaga ‘yun. 

“Other than that, growing up, ‘yung nanay ko po, super love niya si Sarah Geronimo. Hopefully someday, makatrabaho ko po si Sarah Geronimo.”

Ang paborito ni Cedric na kanta ni Jaya ay ‘yung Laging Naroon Ka.

“Masarap po kasi siyang kantahin.”

Ang paborito namang kanta ni Sarah na gustong-gusto ni Cedric ay ‘yung Paikot-Ikot.

Kasi iba po ‘yung sound niya.”

Sa ngayon ay under Poly East Records si Cedric. At ang unang single niya rito ay ‘yung Di Na Ba, na mula sa komposisyon ni Paco.

“Ang plano po nila sa akin is, gagawan nila ako ng music video for my original song (Di Na Ba) And hopefully,next month, iri-release na po nila ‘yung album ko na may 8 to 10 songs.”

About Rommel Placente

Check Also

Direk Brillante ‘di inakalang sisikat si Coco

RATED Rni Rommel Gonzales SI Brillante Mendoza ang direktor ng Masahista noong 2005, ang pelikulang ito ang pinakaunang lead …

Krista Miller Nika Madrid Andrew Gan

Krista Miller nanligaw ng babae

RATED Rni Rommel Gonzales PASABOG ang rebelasyon ni Krista Miller na siya ay nanligaw na ng babae. …

Kathryn Bernardo Dolly de Leon

Kathryn bibida sa A Very Good Girl kasama sa Dolly de Leon

MA at PAni Rommel Placente INANUNSIYO ni Kathryn Bernardo sa ABS CBN Star Cinema YouTube noong Lunes, na gagawa …

Andrea Brillantes Ricci Rivera BlackPink

Andrea sa promprosal kay Ricci — ako po dapat dahil ako yung artist ng Star Magic

MA at PAni Rommel Placente SINAGOT ni Andrea Brillantes ang isang basher na tila sinita siya sa …

Lai Austria

Model, vlogger ‘di kayang magpakita ng kahubdan

I-FLEXni Jun Nardo HINDI kayang magpakita ng maselang parte ng katawan ang model, content creator, …