Monday , April 15 2024
MMFF  Metro Manila Summer Film Festival

MMFF 2022 P500-M ang kinita; Summer Filmfest tuloy sa Abril

MASAYANG ibinalita ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at MMFF Chairman lawyer Romando Artes na naabot nila ang P501-M target gross sales sa pagpapalabas ng walong pelikula para sa Metro Manila Film Festival.

Ani Artes, “We are delighted to announce that we were able to reach our target gross sales amounting to P501-million considering that we are still recovering from the impacts of the Covid 19-pandemic.

“Indeed, the 2022 MMFF is a certified box-office hit,” masayang sabi pa ni Artes.

Ani Artes, lahat ng walong pelikulang kasama sa MMFF ay naipalabas sa mga sinehan  nationwide simula December 25, 2022 hanggang Jan. 7, 2023. 

Katunayan extended pa ang film festival na may temang Balik Saya hanggang Jan. 13, 2023 kaya iyong mga season kaya iyong may mga hawak pang MMFF season pass maaari pang magamit.

Sinabi naman ni Artes ang apat na pelikulang top grosser sa nakaraang pagpapalabas nito base na rin sa gross sales receipts. ito ay ang Deleter, Family Matters, Labyu with an Accent, at Partners in Crime. 

Ang ibang pelikulang kasama rin sa MMFF ay ang Mamasapano: Now It Can Be Told; My Father, Myself; My Teacher; at Nananahimik ang Gabi.

Samantala, inihayag din ni Artes na ilulunsad ng MMDA ang Metro Manila Summer Film Festival sa April sa pakikipagtulungan ng Cinema Exhibitors Association of the Philippines (CEAP).

Magaganap ang Summer FilmFest ng 11 araw na magsisimula sa April 8 (Black Saturday) at magtatapos sa April 18 sa mga sinehan nationwide. Ang Parade of Stars naman para sa MMFF Summer Edition ay gagawin sa  April 1 at ang Awards Night ay sa April 11.

“We will release the deadline of submission of entries as early as we can so that interested producers and filmmakers may be guided accordingly,” saad pa ni Artes. (MValdez)

About hataw tabloid

Check Also

Pokwang Lee O’Brian Malia

Pokwang payag madalaw ng anak si Lee O’Brian sa Amerika

MA at PAni Rommel Placente SA exclusive interview nI Pokwang Fast Talk With Boy Abunda noong Huwebes, April …

Sarah Lahbati Ruffa Gutierrez Annabelle Rama

Ruffa ipinagtanggol naglalabasang quote cards ni Annabelle fake

MA at PAni Rommel Placente MAY post si Ruffa Gutierrez sa kanyang Facebook account para pabulaanan ang mga naglabasang …

Jameson Blake Lovi Poe

Jameson ibang-iba ang role sa Lovi Poe starrer

I-FLEXni Jun Nardo PAHINGA muna sa mga edgy roles ang aktor na si Jameson Blake sa bagong Regal movie …

Ice Ganda Vic Sotto Ice Seguerra

Ice nanggulat sa Eat Bulaga bumagay Ice Ganda 

I-FLEXni Jun Nardo TINAWAG na Ice Ganda ni Joey de Leon si Ice Seguerra nang magbihis babae ito sa birthday episode ni Vic …

blind item

Boylet ni Showbiz Gay namamaga ang lalamunan, madalas ding may lagnat

HATAWANni Ed de Leon KUWIDAW ang isang showbiz gay, nalaman kasi niya na ang kanyang boylet …