Monday , April 15 2024
Kylie Padilla Gerald Anderson

Gerald bumilib sa tapang ni Kylie 

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

INAMIN ni Kylie Padilla na hindi niya inaasahang makagagawa ng pelikula kapareha si Gerald Anderson na isang Kapamilya. Magkasama ang dalawa sa Unravel, collaboration project ng Star Magic at MavX Productions na idinirehe ni RC delos Reyes na mapapanood sa mga sinehan.

Bumilib naman si Gerald sa pagiging propesyonal at pagiging matapang ng anak ni Robin Padilla.

Parehong first time magkatrabaho sina Gerald at Kylie pero hindi naman sila nahirapan. Actually nakatulong pa na hindi sila magkakilala dahil iyon ang ginampanan nila sa pelikula. Hindi sila magkakilala na nagkatagpo sa isang lugar sa Switzerland.

Puring-puri ni Gerald si Kylie dahil hindi iyon natakot o nagdalawang-isip na gawin ang mga buwis-buhay na stunts.

Hindi kasi kinakitaan ng takot si Kylie nang mag-sky diving at bungee jumping ang aktres sa Switzerland kaya namansobrang hinangaan iyon ni Gerald. 

“Nakabibilib talaga si Kylie dahil medyo may mga intense at nakatatakot na ginawa namin na nakita niyo sa trailer.

“Pero for the passion, for the love of the movie, for the love of Mavx, talagang ginawa niya. ‘Yung professionalism niya, ‘yung pasison niya para sa trabaho,” ani Gerald.

Sinabi naman ni Kylie na hindi niya ine-expect na makagagawa siya ng pelikula kasama ang isang Kapamilya.

“Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala. Kasi I’ve been a supporter, I’ve watched their films. It’s an honor to be working with someone I’ve admired. Hanggang ngayon talaga, parang ‘di ako makapaniwala. I learned a lot,” anang Kapuso aktres.

Nilinaw naman ni ABS-CBN executive Lauren Dyogi kung bakit napasama si Kylie sa project ng Star Magic at MavX.

 “MavX decided on it. Sila ‘yung may hawak niyong material. Kabisado nila kung saan nila dadalhin ‘yung proyekto. It was not really a difficult decision to make.”

At maging si direk Lauren ay nagpahayag din ng paghanga kay Kylie. Aniya, “Magaling na artista. She’ll be a good partner to Gerald. Just looking at them, maganda naman ‘yung chemistry. It’s no brainer to consider Kylie.”

Ang Unravel ay isa sa tatlong pelikulang inihanda ng Star Magic and Mavx Productions sa unang bahagi ng 2023, ang dalawa pa ay ang The Swing nina RK Bagatsing at Jane Oineza at ang I Love Lizzy nina Carlo Aquino at Barbie Imperial.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Pokwang Lee O’Brian Malia

Pokwang payag madalaw ng anak si Lee O’Brian sa Amerika

MA at PAni Rommel Placente SA exclusive interview nI Pokwang Fast Talk With Boy Abunda noong Huwebes, April …

Sarah Lahbati Ruffa Gutierrez Annabelle Rama

Ruffa ipinagtanggol naglalabasang quote cards ni Annabelle fake

MA at PAni Rommel Placente MAY post si Ruffa Gutierrez sa kanyang Facebook account para pabulaanan ang mga naglabasang …

Jameson Blake Lovi Poe

Jameson ibang-iba ang role sa Lovi Poe starrer

I-FLEXni Jun Nardo PAHINGA muna sa mga edgy roles ang aktor na si Jameson Blake sa bagong Regal movie …

Ice Ganda Vic Sotto Ice Seguerra

Ice nanggulat sa Eat Bulaga bumagay Ice Ganda 

I-FLEXni Jun Nardo TINAWAG na Ice Ganda ni Joey de Leon si Ice Seguerra nang magbihis babae ito sa birthday episode ni Vic …

blind item

Boylet ni Showbiz Gay namamaga ang lalamunan, madalas ding may lagnat

HATAWANni Ed de Leon KUWIDAW ang isang showbiz gay, nalaman kasi niya na ang kanyang boylet …