Tuesday , October 3 2023
McCoy de Leon Elisse Joson

McCoy kinompirma hiwalayan nila ni Elisse 

I-FLEX
ni Jun Nardo

UNANG buwan pa  lang ng taong 2023, pero heto’t bumulaga sa social media ang umano’y hiwalayan ng showbiz couple na sina Elise Joson at McCoy de Leon.

Pinagpipistahan ng netizens sa Twitter si McCoy na trending dahil sa umano’y break up kay Elisse na may isa silang anak.

Eh may lumabas pang mensahe si Mccoy para sa anak nila ni Elisse na humihingi ng paunawa kung mabibigyan siya ng pagkakataong makausap ito sa hinaharap.

May lumabas pang messages si McCoy online na humihingi ng apology matapos siyang maugnay sa content creator na si Mary Joy Santiago.

Naglabas din ang aktor sa kanyang Instagram story kahapon confirming na split na sila ni Elisse pero nilinaw niyang walang third party involved.

Bahagi ng pahayag ni Mccoy, “Hindi ko po intension manakit ng tao o manloko. Sadyang dumating lang po sa point na sobrang bigat lang ng problema ko kaya po ko sumuko.”

Pero may hindi naniniwalang netizens sa pahayag ni McCoy kaya naman sinabihan siya ng, “Welcome to the cheaters club, Mccoy de Leon.”

Naku, kasisimula pa lang ng taon, cheating season agad.

About Jun Nardo

Check Also

Joey de Leon

E.A.T, Joey mabilis na humingi ng paumanhin; Showtime deadma

HATAWANni Ed de Leon MATAPOS punahin ng mga tao ang isang joke ni Joey de Leon at …

Kids Toy Kingdom show

Kathryn, Bitoy, at Barbie, wish maging guest sa Kids Toy Kingdom Show ng mga host nito 

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AARANGKADA na ngayong Sabado (Sept. 30) ang Kids Toy Kingdom Show (Season 2) at ipinahayag ng …

Angelika Santiago

Angelika Santiago, waging Young CEO of The Year at Female Best Dressed sa 3rd Diamond Excellence Awards

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SOBRA ang kagalakan ng Kapuso actress na si Angelika Santiago …

Gabby Concepcion David Licauco

Gabby at David bibida sa isang charity show

MATABILni John Fontanilla ISANG napakalaking show ang magaganap sa kaarawan ng kaibigang Genesis Gallios sa Newport Performing …

Nadine Lustre

Nadine trending ang pagtu-two piece sa IG

MATABILni John Fontanilla TRENDING sa social media si Nadine Lustre nang mag-post ito sa kanyang Instagram, @nadine ng mga …