Friday , March 31 2023
Dolly de Leon Triangle of Sadness

Dolly de Leon wagi ng Best Supporting Performance sa Los Angeles Filmfest

ISA na namang tagumpay ang inihatid ni Dolly De Leon matapos magwagi bilang Best Supporting Performance para sa pelikulang Triangle of Sadness sa naganap na Los Angeles Film Critics Association Awards sa Amerika. 

Ipinost ang pagwawagi ni Dolly ng nasabing award-giving body. Caption nila sa tweet, “Best Supporting Performer, Winners: Dolly de Leon, TRIANGLE OF SADNESS and Ke Huy Quan, EVERYTHING EVERYWHERE ALL AT ONCE.”

Kinilala ang husay ni Dolly sa pagganap niya bilang Pinay overseas worker sa isang luxury yacht.

Ang Triangle of Sadness ay idinirehe ng isang Swedish director, si Ruben Ostlun.

Ito ay tungkol sa isang “class warfare comedy” o satire na pinapurihan ng international critics sa Cannes.

At dahil sa husay na ipinakita ni Dolly sa pelikula, may posibilidad na ma-nominate siya sa Oscars 2023.

At noong nakaraang linggo, nominado siya bilang Best Supporting Actress sa 2022 Satellites Awards sa Amerika.

About hataw tabloid

Check Also

Direk Brillante ‘di inakalang sisikat si Coco

RATED Rni Rommel Gonzales SI Brillante Mendoza ang direktor ng Masahista noong 2005, ang pelikulang ito ang pinakaunang lead …

Krista Miller Nika Madrid Andrew Gan

Krista Miller nanligaw ng babae

RATED Rni Rommel Gonzales PASABOG ang rebelasyon ni Krista Miller na siya ay nanligaw na ng babae. …

Kathryn Bernardo Dolly de Leon

Kathryn bibida sa A Very Good Girl kasama sa Dolly de Leon

MA at PAni Rommel Placente INANUNSIYO ni Kathryn Bernardo sa ABS CBN Star Cinema YouTube noong Lunes, na gagawa …

Andrea Brillantes Ricci Rivera BlackPink

Andrea sa promprosal kay Ricci — ako po dapat dahil ako yung artist ng Star Magic

MA at PAni Rommel Placente SINAGOT ni Andrea Brillantes ang isang basher na tila sinita siya sa …

Lai Austria

Model, vlogger ‘di kayang magpakita ng kahubdan

I-FLEXni Jun Nardo HINDI kayang magpakita ng maselang parte ng katawan ang model, content creator, …