Saturday , March 25 2023
shabu drug arrest

Dumayo pa
3 BAGETS NA TULAK, HULI SA NAVOTAS

PABATA nang pabata ang ginagamit sa pagtutulak ng droga makaraang maaresto ang tatlong bagets sa magkahiwalay na drug operation ng pulisya sa Navotas City, kamakalawa ng gabi.

Ayon kay Navotas police chief P/Col. Dexter Ollaging, dakong 10:30 pm nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Lt. Luis Rufo, Jr., ng buy bust operation sa Langaray St., Brgy. North Bay Boulevard South (NBBS) Dagat-Dagatan.

Agad inaresto ng mga operatiba ang kanilang target na si Harold Montañez, alyas Jomar, 18 anyos, matapos bentahan ng P500 halaga ng shabu ang isang undercover police poseur-buyer, kasama si Hazel Marie Ricaport, alyas Ethel, 18 anyos, kapwa residente sa Vitas Tondo, Maynila na nakuhaan ng hinihinalang shabu.

Nakompiska sa mga suspek ang halos anim na gramo ng hinihinalang shabu, may standard drug price na P40,800 at marked money.

Dakong               10:40 pm nang madakma ng mga operatiba ng SDEU si Jonas Estacio, 18 anyos, sa isinawang validation at monitoring sa R. Domingo St., Brgy. Tangos North matapos makuhaan ng tatlong heat-sealed transparent plastic na naglalaman ng hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana na nasa P600 ang halaga.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangrous Drug Act of 2002. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

iSCENE 2023 PAPI DOST

Are you ready for the biggest and the smartest 𝗜𝗻𝘁𝗲𝗿𝗻𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗘𝘅𝗽𝗼𝘀𝗶𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗶𝗻 𝘁𝗵𝗲 𝗣𝗵𝗶𝗹𝗶𝗽𝗽𝗶𝗻𝗲𝘀 this year?

Join us on March 23-25, 2023, in the first ever 𝗜𝗻𝘁𝗲𝗿𝗻𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗦𝗺𝗮𝗿𝘁 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗘𝘅𝗽𝗼𝘀𝗶𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗮𝗻𝗱 …

Mr Freeze Gerry Santos Ivy Ataya Joyce Selga

Mr Freeze BFF ng mga sikat sa showbiz

NAALIW kami kay Mr Gerry Santos aka Mr Freeze sa mediacon ng kanyang Negosyo Goals show sa AllTV na napapanood tuwing Linggo, 11:30 a.m.. Matatawag …

electricity meralco

Karapatan ng consumer mangingibabaw kontra prangkisa

IGINIIT ni Puwersa ng Bayaning Atleta partylist Rep. Margarita Nograles, ang kapakanan ng mga residente …

Bulacan Police PNP

Kampanya kontra krimen sa Bulacan
11 tulak, 2 wanted, 2 sugarol timbog

SUNOD-SUNOD na pinagdadampot ang 11 hinihinalang drug dealer, siyam na pinaghahanap ng batas, at dalawang …

Derek Ramsay Mr Freeze Gerry Santos

Mr Freeze pinatunayang ayaw na ni Derek sa showbiz: Enjoy siya sa pagiging family man

KINOMPIRMA ng kaibigan ni Derek Ramsay na si Mr Freeze Gerry Santos na ayaw na talaga ng aktor ang …