Tuesday , April 23 2024
arrest, posas, fingerprints

2 wanted persons huli sa navotas

NALAMBAT ang dalawang wanted persons sa magkahiwalay na manhunt operation kaugnay ng SAFE NCRPO sa Navotas City.

Ayon kay Navotas City police chief P/Col. Dexter Ollaging, dakong 2:20 ng hapon nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Intelligence Section (SIS) ng Navotas police sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Lt. Luis Rufo, Jr., ng manhunt operation sa M. Naval St., Brgy. Sipac Almacen na nagresulta sa pagkakaaresto kay Merlon Casaje, 47 anyos, isang electrician ng R. Domingo St., Brgy. Tangos North.

Si Casaje ay dinakip sa bisa ng warrant of arrest na inisyu noong 2 October 2013 ni Judge Job Mangente ng Branch 54, Navotas City sa kasong Attempted Homicide na may inirekomendang piyansang P12,000 para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Nauna rito, dakong 5:10 pm nang madakip ng mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section (WSS) at Sub-Station 2 sa joint One Time Big Time (OTBT) operation si Robinson Ramirez, 31 anyos, sa kanyang bahay sa INT. F. Pascual St., Brgy. Tangos South.

Si Ramirez ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Zaldy B. Docena ng Branch 170, Malabon City, may petsang 8 Nobyembre 2021 para sa kasong Qualified Theft. (ROMMEL SALES)

About hataw tabloid

Check Also

drugs pot session arrest

4 arestado sa pot-session sa Valenzuela

SWAK sa kulungan ang apat katao matapos mahuli sa akto ng mga pulis na sumisinghot …

arrest prison

Sigang tambay, kulong

‘IBINALIBAG’ sa selda ang 22-anyos tambay makaraang pumalag at ‘magpamalas ng kabangisan’ nang ireklamo ng …

Win Gatchalian

Mas maigting na pakikilahok ng LGUs sa edukasyon isinusulong ni Gatchalian

MULING isinulong ni Senador Win Gatchalian na paigtingin ang pakikilahok ng local government units (LGUs) …

Namatay sa baha sa Dubai
LUBOS NA TULONG MARAPAT IGAWAD SA TATLONG OFWs

KASUNOD ng pagpapaabot ng taos-pusong  pakikiramay sa pagkamatay ng tatlong overseas Filipino workers (OFWs) sa …

Paco Catholic School Fire Sunog

Pagkatapos ng P15-M sunog sa palengke
PACO CATHOLIC SCHOOL NO FACE-TO-FACE CLASSES

INIANUNSIYO ng Paco Catholic School (PCS) ang suspensiyon ng face-to-face classes simula bukas, Martes, 23 …