Thursday , March 30 2023
Lunod, Drown
Lunod, Drown

Sa Tanay, Rizal
JEEP TINANGAY NG FLASHFLOOD 8 PASAHERO NALUNOD, PATAY

WALONG pasahero ang iniulat na nalunod at namatay

nang tangayin ng baha ang kanilang jeep na sinasakyan na nagtangkang tumawid sa ilog nitong Sabado ng gabi, 10 Disyembre, sa bayan ng Tanay, lalawigan ng Rizal.

Ayon sa spot report mula sa PRO4-A PNP, tinatawid ng isang jeep na minamaneho ng isang Pio Domeyeg, Jr., ang mababaw na bahagi ng ilog sa Brgy. Sta. Inez dakong 8:45 pm kamakalawa nang biglang tumaas ang tubig saka inanod ang sasakyan.

Dahil dito, hindi na nagawang makalabas ng walong pasahero ng jeep na naging dahilan ng kanilang pagkalunod at kalaunan ay kamatayan.

Samantala, nakaligtas si Domeyeg ngunit sinabing pinabayaan at iniwan ang kanyang mga pasahero.

Kinilala ng pulisya ang mga biktimang sina Terisita Quinto, Myller Kit Fernandez, Leonida Doroteo, Salvacion Delgado, Carmen Dela Cruz, Esmena Doroteo, Avelino at Deodora Buera.

Patuloy ang isinisagawang imbestigasyon ng mga awtoridad kaugnay sa insidente habang nagkasa na ng manhunt operation upang maaresto si Domeyeg.

About hataw tabloid

Check Also

Jenine Desiderio

Jenine aktibo pa rin sa pagkanta

HATAWANni Ed de Leon HINDI namin agad siya nakilala kasi naka-face mask noong makita namin …

Bulacan Police PNP

10 ‘tulak’ sa drug watchlist kinalawit

INARESTO ang 10 indibidwal sa pagpapatuloy ng kampanya ng pulisya sa Bulacan laban sa ilegal …

COMPOSITE SKETCH Marlon Serna

Sa pamamaslang sa hepe ng San Miguel MPS
COMPOSITE SKETCH NG SUSPEK INILABAS

NAGLABAS ang Philippine National Police (PNP) ng composite sketch ng isa sa dalawang suspek na …

Jose Hidalgo Marlon Serna

RD Hidalgo binisita ang burol ng napaslang na hepe ng San Miguel MPS;
Reward para sa mga killers umabot na sa P1.7-M

Nagbigay ng kanyang huling paggalang si Police Regional Office 3 Director PBGeneral Jose S. Hidalgo …

iSCENE 2023 PAPI DOST

Are you ready for the biggest and the smartest 𝗜𝗻𝘁𝗲𝗿𝗻𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗘𝘅𝗽𝗼𝘀𝗶𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗶𝗻 𝘁𝗵𝗲 𝗣𝗵𝗶𝗹𝗶𝗽𝗽𝗶𝗻𝗲𝘀 this year?

Join us on March 23-25, 2023, in the first ever 𝗜𝗻𝘁𝗲𝗿𝗻𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗦𝗺𝗮𝗿𝘁 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗘𝘅𝗽𝗼𝘀𝗶𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗮𝗻𝗱 …