Friday , August 12 2022
G Toengi Ella Cruz

G napikon, may patama kay Ella

MA at PA
ni Rommel Placente

SABI ng dating aktres na si G Toengi, nagmartsa siya sa EDSA People Power Revolution noong February 1986 sa edad na walo. Ito ay sagot at reaksiyon niya sa naging pahayag ni Ella Cruz na history is parang tsismis lang.  Na gustong iparating ni G kay Ella, na totoo ang history dahil na-experince niyang sumama sa rally noon para patalsikin sa puwesto ang dating pangulo na si  Ferdinand Edralin Marcos.

Pero may mga netizen na hindi naniniwala sa claim na ito ni G. May nabasa kasi silang lumang article tungkol sa kanya, na nakasulat doon na dumating siya sa Pilipinas mula sa New York, kasama ang ina sa edad na 15.

Sabi nila, extended daw ba sa New York ang Edsa Revolutrion kaya nakapag-martsa siya rooon sa edad na 8?

Sinagot ni G ang kanyang bashers. At tinawag niya itong mga tanga.

Sabi ni G, “Why are people so gullible? I was at People Power, when the Marcfamily was ousted out of power. I was a student in De La Salle Zobel at the time living in Paranaque. Just coz a prior article is wrong doesn’t discredit my experience. Mga tanga!”

O ‘di ba, napikon si G?

About Rommel Placente

Check Also

Julie Anne San Jose, Rayver Cruz, Janine Gutierrez, Paulo Avelino

Rayver umamin nililigawan si Julie Anne

UMAMIN na ang Kapuso actor na si Rayver Cruz na nililigawan na niya ang Asia’s Limitless Star …

Blind Item Aktor hirap umupo TV Diretor

Baguhang male star naiskuran ni direk

ni Ed de Leon MATINO naman talaga nang pumasok sa showbusiness ang isang baguhang male star. …

Aga Muhlach

Happy birthday, Aga!

HATAWANni Ed de Leon ISIPIN ninyo, ngayong araw na ito, 53 years old na pala …

Lydia de Vega

Lydia de Vega ginupo rin ng cancer

HATAWANni Ed de Leon NAKALULUNGKOT ang mga balita nitong linggong ito. Naunang nabalita si Cherie Gil na …

Chloe Jenna Christine Bermas Milana Ikemoto

Chloe Jenna nahirapan makipaghalikan kay Christine 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MULING sumabak sa pagdidirehe ng sexy ang singer/aktor na si Jeffrey …