Sunday , August 14 2022
Suntok Punch sapak

Kaklase naalimpungatan
ESTUDYANTE PATAY SA STRAIGHT JAB SA LALAMUNAN

DEDBOL ang isang isang estudyante matapos suntukin sa lalamunan ng kanyang kaklaseng naalimpungatan nang kanyang gisingin sa isang beach resort sa bayan ng Guinayangan, lalawigan ng Quezon, nitong  Miyerkoles ng umaga, 6 Hulyo.

Hindi na umabot nang buhay sa pagamutan ang biktimang 17-anyos estudyante ng Guinayangan Senior High School nang hindi makahinga dahil sa straight jab pinsala sa lalamunan.

Samantala, inaresto ng pulisya ang suspek na si Warren De Guzman, 19 anyos, kaklase ng biktima.

Batay sa ulat ng Guinayangan police, katatapos ng kanilang graduation nang magkayayaan ang 14 magkakaklaseng mag-overnight outing sa isang resort sa Brgy. Dancalan.

Ayon kay P/Maj. Eric Veluz, hepe ng Guinayangan police, bilang selebrasyon, halos magdamag na nag-inuman ang magkakalase nitong Martes ng gabi ngunit nang paalis na ang grupo dakong 6:00 am kahapon, ginigising ng biktima ang nalasing at natutulog pang suspek sa isang cottage.

Naalimpungatan umano ang suspek at sinuntok nang isang beses ang biktima at saka muling natulog.

Nakita na lamang ng mga kaklase na namutla ang biktima at biglang hinimatay.

Agad isinugod sa ospital ang biktima ngunit idineklarang dead on arrival.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng pulisya ang suspek na nakatakdang sampahan ng kaso sa piskalya.

About hataw tabloid

Check Also

marijuana

2 drug suspects timbog sa P180-K Marijuana

NASAMSAM ng pulisya ang halos P.2-milyong halaga ng ilegal na droga sa dalawang drug suspects, …

Cara y Cruz

2 Laborer arestado sa Cara y Cruz, baril

SWAK sa kulungan ang dalawang laborer matapos maaresto sa isinagawang anti-illegal gambling operation at makuhaan …

CoVid-19 vaccine

Amyenda sa Covid-19 sa Vaccination Program Act of 2021 hiniling sa Senado

HINILING ni Department of Health (DOH) Officer-In- Charge, Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa Kongreso (MMataas …

Robin Padilla 2

Scholarship, Health Services para sa mga magsasaka isinulong sa Rice Tariffication Act

ISINUSULONG ni Senador Robinhood “Robin” Padilla ang scholarship at health services para sa mga magsasakang …

Sonny Angara Money Senate

PPP sa LGUs suportado ni Angara

SUPORTADO ni Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara ang panawagan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., sa …