Friday , June 2 2023
3in1 Jeffrey Tam

Jeffrey Tam kakaiba ang magic

HARD TALK
ni Pilar Mateo

MAGIC? Kahit yata malayo na tayo sa kinagisnang kabataan, gusto pa rin nating makapanood ng mga mahika blanca sa mga bating pinag-aralan din naman ang sining na ito.

Isa sa hinahangaan sa naturang larangan itong si Jeffrey Tam. Isang komedyante rin na napapanood sa TV at pelikula.

Inusisa ko ito dahil gusto ko panoorin ang palabas na 3 In One na kasama niya ang mga komedyante ring sina Donna Cariaga at Alex Calleja. Mapapanood ito sa Biyernes, July 1, 2022 sa Powermac Center Spotlight sa Circuit, Makati.

Paano ba siya naiba sa mga kasamahan niya sa mundo ng mahika?

“Ang kaibahan ko sa lahat ng magician is tingin ko ‘yung dami na ng experience ko. From conventions hanggang magic seminars uma-attend ako. Sa dami na ng nasalihan kong international competition from ASIAN CHAMPIONSHIPS up to the WORLD CHAMPIONSHIP ako ang kauna-unahang Filipino Magician na naka-gold sa international at inirepresent ang bansa sa world championship.”

Sino naman ang tinitingala niya sa sining na ito?

“Idol ko talaga sa lahat walang iba, si DAVID COPPERFIELD. SIya ang unang magician na napanood ko live sa folk arts theater when I was 12 years old after watching sinabi ko sa dad ko gusto ko paglaki ko gusto ko maging ganoon.

“Mas nakaka-entertain ang magic lalo na ‘pag hinaluan mo na ng comedy at ‘yun ang forte ko. Nabibilib ka na at the same time natatawa ka pa kasi may halong comedy lahat ng act ko.

“Siyempre I always pray kay God everytime I have a show or everytime na sumasali ako sa competitions abroad. Basically lahat is tricks lang talaga wala naman kapangyarihan ang mga magician, 100% entertainment lang,” natatawa nitong pakli.

Sige, masilip nga at maaliw sila na makakasama rin ang Mind Reader na si Justin Piñon ganoon din sina Mak Navarez at Israel Buenaobra.

‘Nga pala, this stories, laughter and magic is for adults only, ha! 

About Pilar Mateo

Check Also

Eat Bulaga Dabarkads

TVJ, Eat Bulaga nagbabu na

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NAGPAALAM na sina Tito Sotto, Vic Sotto, Joey de Leon at iba …

Bruce Roeland Vic Sotto

Newbie star ‘di makapaniwalang makakasama si Vic Sotto

RATED Rni Rommel Gonzales IN shock pa rin ang guwapong Sparkle star na si Bruce Roeland dahil kasama siya …

Jake Cuenca

Jake Cuenca nagkakasakit na sa dami ng trabaho

RATED Rni Rommel Gonzales NANININDIGAN si Jake Cuenca na loveless pa rin siya hanggang ngayon. Bida sina …

Romnick Sarmenta Ice Seguerra

Romnick fun experience ang mahalikan si Ice Seguerra

ni Allan Sancon MATAPOS manalo bilang Best Actor ni Romnick Sarmenta sa 1st Summer Metro Manila Film Festival sa …

Sunshine Cruz Unbreak My Heart

Sunshine napa-Naku po Lord, Ayoko nang tanungin sa lovelife 

KUNG dati’y open si Sunshine Cruz sa mga nagaganap sa kanyang buhay-pag-ibig ngayo’y alumpihit na siya sa …