Saturday , May 28 2022

Biado, Alcano, Chua pasok sa Sweet 16

SUMARGO  ng tig isang panalo sina Carlo “The Black” Tiger” Biado, Ronato “Volcano” Alcano at Johann “Bubwit” Chua nung Miyerkoles, Mayo 4, 2022 s para makakuha ng upuan sa Round-of-16 ng National 10-Ball Tournament na ginaganap sa Robinson’s Mall sa Naga City.

Giniba ni Biado na tubong Rasario, La Union  si Kyle Amoroto ng Cebu City, 9-3;    pinayuko naman ng Calamba City, Laguna bet Alcano si Alvin Daquioag ng Quezon City, 9-5;   habang panalo ang Taguig City resident Chua  kay Michael Baoanan ng Manila, 9-5, para mapanatiling  malinis ang kanilang kartada.

“Buwenas lang dahil hindi ako binigo ng touch ko hanggang sa huling tirade,”sabi ni Biado, ang 2017 world 9-Ball titlist.

Ang iba pang cue masters na kumatok sa Last 16 via winners brackets ay sina James “Dodong Diamond” Aranas ng Bacoor City, Cavite, Anthony “Anton” Raga ng Talisay City, Cebu, Rodrigo “Edgie” Geronimo ng Marilao, Bulacan, Raymart Camomot ng Manila at Jerico Bonus ng Naga City.

Nakalusot si Aranas  kay Raymund Faraon ng Sipocot, Camarines Sur, 9-3;   Dinurog ni Raga si Marvin Pastor ng Imus City, Cavite, 9-4;   winasiwas naman ni Geronimo si Toni Regino ng Iriga City, 9-6;   kinaldag  ni Camomot si Rex Lawrence ng Naga City, 9-3;  at  namayagpag naman si Bonus kay Mark Estiola ng  Manila, 9-6.

Ayon kay Tournament Director Darwin Bernadaz, may  iba pang manlalaro na nagnanais makapasok sa Round of 16 via loser’s brackets.

Ang Tournament Promoter ay si Joevie Gonzales habang ang Tournament organizer ay sina Ronald Cayetano, Kristian Agawa at Raymund Faraon.

-Marlon Bernardino-

About hataw tabloid

Check Also

Tank Davis Mayweather Rolando  Romero

 ‘Tank’ Davis huling laban na si Romero sa ilalim ng Mayweather Promotions

DESIDIDO si Gervonta ‘Tank’ Davis na kumalas na sa Mayweather Promotions pagkatapos ng laban niya …

PCAP Professional Chess Association of the Philippines

Cavite, Caloocan chessers humataw agad sa panimula ng  PCAP online chess tourney

MANILA—Malakas na sinimulan ng Cavite Spartans at Caloocan Loadmanna Knights ang kanilang kampanya matapos magtala …

Philracom Horse Race

2022 PHILRACOM ‘Gran Copa de Manila Cup’ lalarga sa San Lazaro

KINASASABIKAN na ng racing aficionados ang paglarga ng 2022 Gran Copa De Manila na itatakbo …

Chess

Jayag, Molinyawe kampeon sa Marinduque Rapid Chess tourney

PINAGHARIAN nina John Meneses Jayag at Cleiford Kortchnoi Molinyawe ang kani-kanilang dibisyon sa katatapos na …

Ramon Fernandez SEA games

PH squad nirepresenta ni Mon Fernandez  sa Viet SEA Games closing rites

HANOI – Tunay sa kanyang binitawang salita bilang ‘last man standing’,  nagpaiwan si national team …