Wednesday , May 25 2022

Philadelphia 76ers yuko uli sa Miami Heat

SINUNGKIT ng Miami Heat ang 2-0 series lead laban sa Philalephia 76ers kahapon para isara ang Game 2 sa South Beach sa iskor na 119-103.

Marami ang nag-ambag ng puntos para sa Miami pero umangat  sa lahat ang inilaro nina Jimmy Butler at Bam Adebayo na may kabuuang 45 puntos, 15 rebounds,  at 15 aasists.

Pinangunahan naman ni James Harden at Tyrese Maxey ang atake ng 76ers.  May combined 54 puntos, 10 rebounds at 7 assists.

Kailangan na lang ng Miami ang dalawa pang panalo para makasampa sa Eastern Conference finals na posibleng makaharap nila ang Milwaukee Bucks o ang Boston Celtics.

Nadehado nang husto ang Sixers nang hindi nakapaglaro si Joel Embiid na nadale ng broken orbital bone at mga pasa sa naging laro nila sa Games 6 laban sa Toronto Raptors.  Resulta nun ay hindi siya nakalaro sa nakaraang dalawang laro sa second round.

Aminado naman ang coaching staff ng Miami na may bahagya ring epekto sa team ang pagkakarahe  nina Kyle Lowry at  Duncan Robinson sa rotation dahil sa injury.  Pero ganunpaman komportable pa rin si head coach Erik Spoelstra sa siyam na natirang manlalaro niya na magaan niyang napapagpalit-palit.

About hataw tabloid

Check Also

Metro Manila Turf Club

Metro Manila Turf Club, Inc.
Race Results & Dividends
Sabado (May 14, 2022)

R 01 – CONDITION RACE ( 17-18 MERGED ) Winner:  PALIBHASA LALAKE (6) – (K …

Floyd Mayweather Jr Don Moore Anderson Silva Bruno Machado

Exhibition match ni Mayweather sa Dubai kanselado

KINANSELA ang exhibition fight ni  Floyd Mayweather Jr. kay Don Moore  na mangyayari sana kahapon …

Agatha Wong

31st SEA Games
AGATHA WONG SILVER SA TAIJIQUAN

HANOI – Nagwakas ang pamamayagpag ni Agatha Wong bilang taijiquan queen sa Southeast Asian Games …

Kickboxing Francis Tolentino

National team pinuri ni SKP President Senator  Tolentino

PINURI ni Kickboxing ng Pilipinas (SKP) President Senator Francis “Tol” Tolentino ang national team bago …

Hanoi SEA Games Philippines Gold

Hanoi  SEA Games
TOP-THREE FINISH HANGAD NG TEAM PHILIPPINES

HANOI — Naging napakadali para kay Olympian Ernest John Obiena na mapanatili ang kanyang pole …