Friday , May 27 2022
Myrtle Sarrosa

Myrtle aminadong naiyak nang mag-renew muli sa Sisters

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

NAKABIBILIB naman si Myrtle Sarrosa dahil  anim na taon na pala siyang  katuwang ng Sisters para ipalaganap ang kahalagahan ng magandang edukasyon, gayundin, ang pagpapanatili ng tamang kalinisan sa katawan lalo na sa kababaihan. 

Kaya naman masayang-masaya si Myrtle nang mag-renew muli ng kontrata bilang celebrity endorser ng Sisters Sanitary Napkins dagdag pa na sobra-sobra ang tiwala sa kanya ng Megasoft Hygienic Products Inc.

Sa virtual media conference ng Megasoft para kay Myrtle noong Martes, inamin ng aktres/cosplayer na naiyak siya nang sabihin sa kanyang magre-renew siya ng kontrata. 

“’Yung relationship kasi namin ni big sis (tawag niya sa may-ari na si Ms. Aileen Choi Go) sobrang tagal na. Tipong pumunta na kami ng iba’t ibang parte ng Pilipinas – Luzon, Visayas, Mindanao, nag-tour na kami.

“Naranasan namin na bumagyo, na-stuck, nakakita kami ng multo, binaha, ‘yung mga ganoong experiences. Nag-trending pa nga dati ‘yung nakakita kami ng multo habang nag-i-school tour,” ani Myrtle dagdag pa nang ma-stuck sila sa eroplano at paikot-ikot lang sila sa himpapawid sa loob ng tatlong oras dahil sa bagyo.

When I first became Sisters’ endorser, we worked together to rise above and sobrang nakaka-proud ‘yung lahat ng naging accomplishments namin sa Sisters and Megasoft within the last six years. 

“We have inspired thousands of students, we have helped multiple schools and we have been a part of the movement to which we make school fun and award all the students and teachers for all that they do. Nakatutuwa rin having the opportunity na tulungan ‘yun,” kuwento pa ng aktres.

My little sister Myrtle embodies Sisters Feminine Care Brand tagline ‘School is cool’ since we started our nationwide campus tour in 2016. She sets the bar of an excellent role model for the young ones to finish their studies amidst challenges and juggling demands of show business,” anang Megasoft’s vice president for sales and marketing na si Ms. Aileen.

Samantala, dahil sa COVID-19 pandemic, pansamantalang nahinto ang matagumpay na school tour campaign ng Sisters. Gayunman, hindi naman nito inihinto ang hangarin ng brand, kasama si Myrtle, para ipalaganap ang layunin ng kanilang programa sa mga kabataan. 

We diverted our face-to-face school tour by joining online schooling activities like seminars and Brigada Eskuwela through ‘Personal Hygiene Management’ segment, where Myrtle shares her ideas on how to take care of themselves when girls start having periods,” sambit naman ni Ms. Aileen. 

Hindi rin magtatagal at muling makakapiling ni Myrtle ang mga estudyante sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas dahil ipinangako ng Megasoft na ibabalik nito ang face-to-face school tours kapag lumuwag na ang restrictions laban sa COVID-19. 

“We are excited to resume physical events, participate in festivals and school tours nationwide as promised when alert levels will be lifted asap,” sambit pa ni Ms Aileen.

Bilang pagtatapos, binanggit din niya, “Megasoft Hygienic Products Inc. is determined to continuously provide essential hygiene products worth the money of every Filipino.”

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Xian Lim Barbie Imperial

Xian nagpaliwanag sa kumakalat nilang litrato ni Barbie 

MA at PAni Rommel Placente BINIGYANG linaw ni Xian Lim sa interbyu sa kanya ng pep.ph ang pang-iintriga sa kanila ni Barbie Imperial dahil sa kumalat na litrato nila habang nasa lobby ng isang …

Kris Aquino Lolit Solis

Lolit Solis naiyak sa sulat ni Kris Aquino

MA at PAni Rommel Placente SABI ni Lolit Solis noong kaarawan niya, May 20, nagpadala sa kanya …

Jomari Yllana, Abby Viduya, Priscilla Almeda

Abby masaya sa pagwawagi ni Jomari

MATABILni John Fontanilla MASAYANG-MASAYA si Abby Viduya sa pagkapanalo ni Jomari Yllana bilang councilor ng District 1 ng  Parañaque. …

Vice Ganda

Nasaan na nga ba si Vice Ganda?

HEY! Hey! Hey! What happened na sa mga artistang sumampa sa entablado with matching grand …

Bea Alonzo spain house

Pagbili ng apartment ni Bea sa Spain sisiw lang sa aktres

REALITY BITESni Dominic Rea SISIW lang o barya lang para kay Bea Alonzo ang halaga ng binili …