MATABIL
ni John Fontanilla
HINANGAAN at pinusuan ng mga netizen at ng mga kapwa artista ang mga litrato sa social media ni Jodi Sta Maria.
Click na click ang morena looks ni Jodi sa kanyang mga larawan na ipinost nito sa kanyang Instagram kamakailan na may caption na, “Your soul is always attracted to people the same way flowers are attracted to the sun, surround yourself only with those who want to see you grow.”
Ilan sa mga komentong natanggap sa post ni Jodi ay mula kay Shaina Magdayao. Anito, “Hola beautiful soul.”
Sabi naman ni Iza Calzado, “So sooooo beautiful my love.”
“Ang Ganda,” ayon naman kay Jackilou Blanco.
At ang nakakikilig namang komento ni Raymart Santiago na, “You are beautiful inside and out.”