Thursday , March 30 2023
Ernie Castro Kathryn Bernardo

Kathryn ultimate crush ng newbie actor

MATABIL
ni John Fontanilla

ANG Kapamilya actress na si Kathryn Bernardo ang ultimate crush ng  tall, dark and handsome na  model at newbie actor na si Ernie Castro. Gusto rin niyang makatrabaho ang aktres.

Anang 22 years old na si Ernie, “Gusto ko pong makatrabaho si  Kathryn Bernardo  since she’s my ultimate crush noon pa man, bukod pa sa ‘di naman po nalalayo ‘yung age namin and napakagaling niyang artista.

“Sa lalaki naman po, ang gusto kong makatrabaho si Donny Pangilinan kasi po I can see myself to his personality including the way he interact with people, halos parehong-pareho kami and isa Rin siya sa nakikita ko sa showbiz na sobrang talented.”

At habang naghihintay ng  acting projects ay abala si Ernie bilang Bigo host streamer, ramp, print, at commercial model.

“Habang naghihintay po ako ng tv or movie projects isa po ako sa ‘BIGO’ host streamer ng tropical talent agency.  Isa rin po akong model sa SMMA prime agency at naging part din ako ng Mode of Elle, at ng Aspire Magazine for 2021.”

At kung mabibigyan siya ng proyekto,  gusto niya ng drama pero gusto rin niyang subukan ang komedi at aksiyon.

“I am more likely into drama po since I used to be a theater actor in a glee club in my previous university, pero I’m willing to try comedy and action if given a chance,”  pagtatapos ni Ernie.

About John Fontanilla

Check Also

KBYN Kaagapay Ng Bayan Noli de Castro

Natatanging Philippine entry sa News: Program category
KBYN NI NOLI PASOK SA SHORTLIST NG NEW YORK FEST

NAKAPASOK sa shortlist ng New York Festivals TV & Film Awards ngayong taon ang public affairs program …

Yeo Jin-goo Cho Yi-Hyun Ditto

Ditto kaabang-abang sa mga mahihilig sa K-movie

KAPAG hindi inaasahan at hindi maipaliwanag ang pagkikita ng dalawang tao, nagkataon pa rin lang …

Ed Sheran Eyes Closed

Bagong single ni Ed Sheran na Eyes Closed ini-release na

TIYAK na maraming fans ni Ed Sheeran ang matutuwa dahil ini-release na ang bago niyang single na Eyes …

Mystica Stanley Villanueva

Mystica sobra-sobra ang pagdadalamhati, anak pumanaw

MA at PAni Rommel Placente SOBRANG malungkot ngayon ang novelty singer na si Mystica. Pagkatapos kasing …

Rey Valera RK Bagatsing

RK Bagatsing bumagay na Rey Valera sa Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko

MA at PAni Rommel Placente SA pelikulang Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko:The Music of Rey …