Sunday , May 29 2022
Ayanna Misola

Ayana Misola feel gumanap na seksing multo

HARD TALK
ni Pilar Mateo

ANG L erotic series ang susunod na matutunghayan sa Vivamax sa Marso 6, 2022.

Nakipagtsikahan ang dalawa sa bida ng erotic trilogy nina direk EJ Salcedo, Roman Perez, at Topel Lee na sina Vince Rillon at Ayana Misola.

Marami na ang bilib kay Vince, na protegé at mina-manage ng premyadong direktor na si Brillante Mendoza na hindi rin madali ang mga dinaanan sa kanyang pag-alagwa sa industriya.

Kung may baon si Vince palagian sa mga proyektong sinasalangan niya, never niyang kinakalimutan ang pinaka-importanteng gagawin niya sa kanyang paghahanda.

“Hindi kailangan mawala ‘yung immersion sa anumang character na gagawin ko sa bawat proyekto. Kasi, kakailanganin ‘yun para makapasok ako sa character ko. At saka hindi ko rin nakakaligtaan na mag-consult sa kanya (Direk Brillante) sa bawat role na gagawin ko. Lagi namang nandyan si direk. Lalo na kung mayroon akong tanong sa kung paano ko itatawid ang ginagawa kong eksena. Of course, may guidance sa mga direktor na kasama na namin. Kung kailangan ko lang naman ng back-up, magtatanong pa rin ako kay Direk para sa sarili ko lang.”

Hindi na nga mawawala kay Vince ang pressure lalo pa’t sa pagkilala ng tao sa kanya, nakatatak ang ngalan ni direk Brillante. Kaya pinagsusumikapan naman niya to do better if not outdo ang huli na niyang ginawa.

Para sa inuulan din ng suwerteng si Ayana, na ipinagpapasalamat ang pandemya dahil dito dumating ang kaliwa’t kanang oportunidad sa kanya sa pelikula. Pangarap pala niya na magka-proyekto na horror ang tema.

Kung makakahiling o lambing nga raw siya kay Boss Vic del Rosario isang horror project sana ang maipagkaloob sa kanya.

“At ako po ang gaganap na multo,” say ng sexy leading lady ni Vince, na action project naman ang gusto g masalangan in the future.

Watching the sexy flicks at ito ngang erotic seriea na L sa Vivamax, one can’t help but wonder kung may saturation point na ba ang mga artista sa sunod-sunod nilang ginagawang pagbuyangyang ng kanilang kahubdan sa harap ng kamera.

Nagkaisa ang mga bida na ito ang trabaho nila at hangga’t may oportunidad na inihahain sa kanila eh, hindi nila tatanggihan.

Yes! Rewarding kina Ayana at Vince ang mga biyaya at pagpapala.

Sasakyan para kay Vince. At laptop na ginagamit niya sa aming Zoom na ang bitbit ni Ayana.

Kung may ipagpapasalamat pa ang dalawa, ‘yun ay ang naka-bonding ni Vince ang pamilya. Nakakasama sa shopping ang kapatid. Na siyang gamot sa kanya kapag magulo ang takbo ng utak.

Si Ayana, sa Quezon City na nananahan. Naiwan ang pamilya sa Laguna. Pero they make it a point na hindi mawalan ng panahon para kumustahin ang isa’t isa.

Level 1 na ang NCR. May mga mababago na naman sa takbo ng buhay ng bawat tao. Luluwag na, lalo ang mga nakakasanayan na ngang locked-in o bubble wrapped shoots.

“L”. Luwag! Handa na ba ang mga bida ng L?

Subaybay na sa Vivamax! 

About Pilar Mateo

Check Also

Baron Geisler Pusoy

Baron nahiya sa 7 daring scenes sa Pusoy; Kung kailan nag-40 at saka naghubad

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio PITONG sexy scenes ang sinalangan ni Baron Geisler sa Pusoy ng Vivamax na mapapanood na simula …

Kathryn Bernardo Family

Kathryn Bernardo ambassador na ng Biogesic

IKINASIYA at ikinakilig ni Kathryn Bernardo ang pagiging health ambassador ng pinaka-pinagkakatiwalaang brand para sa sakit ng …

Marian Rivera Rhea Tan Bea Alonzo Beautederm

Ms. Rhea Tan super-kilig na may Marian na, may Bea pang endorsers ang Beautederm

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AMINADO angPresident at CEO ng Beautéderm na si Ms. Rhea …

Xian Lim Barbie Imperial

Xian nagpaliwanag sa kumakalat nilang litrato ni Barbie 

MA at PAni Rommel Placente BINIGYANG linaw ni Xian Lim sa interbyu sa kanya ng pep.ph ang pang-iintriga sa kanila ni Barbie Imperial dahil sa kumalat na litrato nila habang nasa lobby ng isang …

Vince Tañada Ang Bangkay

Vince umaasang maisasali sa mga filmfest abroad ang Ang Bangkay

HARD TALKni Pilar Mateo SINO Ang Bangkay!  Si Don Segismundo Corintho, ang biyudong embalsamador. Na ginagampanan ni Vince …