Saturday , May 28 2022
Allan Paule

Allan Paule nanganay, ninerbiyos sa bagong teleserye ng GMA 

RATED R
ni Rommel Gonzales

KASAMA sa cast ng Widow’s Web na umeere ngayon sa GMA si Allan Paule. Ang teleserye ring ito ang unang proyekto ni Jerry Lopez Sineneng simula nang iwan ang ABS-CBN.

Natanong namin si Allan kung ano ang masasabi ngayong katrabaho nila ang batikang direktor.

“Working with direk Jerry actually, bata pa lang ako nakatrabaho ko na si direk Jerry. Hindi, joke lang,” ang tumatawang reaksiyon ni Allan. “Matagal na kaming nagkakasama ni direk Jerry, sa kabilang estasyon pa.

“Sa kabila pa lang marami na kaming napagsamahan. So, medyo nanganganay lang kasi medyo matagal napahinga pero sa katagalan nasanay din, nasanay din pero ninenerbiyos , kasama sa trabaho ‘yan.

“Ako yata ang pinakamatanda rito eh,” ang tumatawang sinabi pa ni Allan.

Marunong pa palang nerbiyosin si Allan.

“Oo naman. Lalo na at nagkaroon tayo ng pandemya, ‘di ba? So iyon, nagpapasalamat din ako kay direk Jerry, kay Ms. Helen, kay Ms. Kaye sa pagtitiwalang ibinigay nila sa akin para sa role na ibinigay nila sa akin.

“So, nerbiyos pa rin, kasama sa trabaho para at least lagi kang on your toes, hindi ‘yung kampante ka, hindi ba?”

Sina Helen Sese at Kaye Cadsawan ay mga production head ng Widow’s Web at ng GMA.

About Rommel Gonzales

Check Also

Kathryn Bernardo Family

Kathryn Bernardo ambassador na ng Biogesic

IKINASIYA at ikinakilig ni Kathryn Bernardo ang pagiging health ambassador ng pinaka-pinagkakatiwalaang brand para sa sakit ng …

Marian Rivera Rhea Tan Bea Alonzo Beautederm

Ms. Rhea Tan super-kilig na may Marian na, may Bea pang endorsers ang Beautederm

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AMINADO angPresident at CEO ng Beautéderm na si Ms. Rhea …

Xian Lim Barbie Imperial

Xian nagpaliwanag sa kumakalat nilang litrato ni Barbie 

MA at PAni Rommel Placente BINIGYANG linaw ni Xian Lim sa interbyu sa kanya ng pep.ph ang pang-iintriga sa kanila ni Barbie Imperial dahil sa kumalat na litrato nila habang nasa lobby ng isang …

Vince Tañada Ang Bangkay

Vince umaasang maisasali sa mga filmfest abroad ang Ang Bangkay

HARD TALKni Pilar Mateo SINO Ang Bangkay!  Si Don Segismundo Corintho, ang biyudong embalsamador. Na ginagampanan ni Vince …

Kris Aquino Lolit Solis

Lolit Solis naiyak sa sulat ni Kris Aquino

MA at PAni Rommel Placente SABI ni Lolit Solis noong kaarawan niya, May 20, nagpadala sa kanya …