Wednesday , May 25 2022
Gabby Eigenmann Rocco Nacino

Rocco ‘di ‘naisahan’ ng poser/scammer ni Gabby

RATED R
ni Rommel Gonzales

KAMUNTIK nang mabiktima at makuhanan ng pera si Rocco Nacino matapos siyang padalhan ng mensahe ng isang nagkuwaring si Gabby Eigenmann.

Sa Instagram, ipinost ni Rocco ang pakikipag-palitan niya ng mensahe sa “poser” ni Gabby na nanghihiram ng P10,000.

Idinahilan ng poser na “down” ang banko niya at babayaran kaagad ang ipadadala sa kanyang P10,000.

Kaagad na tinawagan ni Rocco ang numero ni Gabby para alamin kung ito talaga ang nagpadala sa kanya ng mensahe.

“Namuntikan pa ako dahil bagong gising ako,” sabi ni Rocco sa post niya sa Instagram. “Kasi alam ko mayaman ’tong si brother Gabby at kung mayroon man uutang, ako dapat ’yon sa kanya.”

Kahit alam na niyang poser ang nanghihiram ng pera, nakipag-usap pa rin si Rocco para makuha ang numero nito.

Rito na nalaman ni Rocco na ang numero ay pag-aari ng isang “Sabina M.”

Nadesmaya si Rocco at pinayuhan ang poser/scammer na magtrabaho.

“Sa taong ito, sana makonsensya ka sa ginagawa mo at karma na ang bahala sa ’yo. Kung kailangan mo ng pera, gumawa ka ng tamang paraan para makaipon. Hindi lahat nasho-shortcut,” saad ng aktor.

Irereport ni Rocco sa mga awtoridad ang numero at pinayuhan niya ang kaniyang followers na maging maingat sa mga taong nakikipag-ugnayan sa kanila.

“It’s sad to know that may mga gumagawa talaga ng ganito. Sana maging aral ito para sa atin lahat na mag-ingat palagi at magkaroon ng presence of mind lalo na ’pag pera na ang usapan,” ani Rocco.

Nagbigay din ng babala si Gabby sa kanyang followers na, “not entertain any messages from this person pretending to be me.”

Mensahe niya sa kanyang poser: “Kung sino ka man, tigilan mo na ang pangloloko sa mga tao, mas doble ang balik sa karma.”

About Rommel Gonzales

Check Also

Lovi Poe Susan Roces

Lovi sa pagkawala ni Manang Inday — truly lost a gem

I-FLEXni Jun Nardo NAGBIGAY-PUGAY si Lovi Poe sa pumanaw na si Susan Roces.  Mabigat ang puso niya sa …

Loisa Andalio Ronnie Alonbte Loinie

LoiNie ipon muna bago engagement  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio IPAGDIRIWANG na nina Loisa Andalio at Ronnie Alonte ang kanilang 6th anniversarysa November pero …

Susan Roces

Susan Roces bahagi ng showbiz era na sa kanila lang

HATAWANni Ed de Leon BATA pa lamang ang yumaong movie queen na si Susan Roces ay talagang …

Binondo Intramuros bridge

Binondo-Intramuros bridge panalo sa ganda

I-FLEXni Jun Nardo WINNER ng bagong Binondo-Intramuros bridge na nagkaroon ng inagurasyon nitong nakaraang araw. …

052022 Hataw Frontpage

Exclusive!
PAUL SORIANO BAGONG PALACE EXECUTIVE

ni ROSE NOVENARIO MAISASALBA na ang karerang muntik lumubog ni multi-awarded film director at mister …