Wednesday , May 25 2022
Gigi De Lana GG Vibes Domination Concert

Gigi De Lana at Gigi Vibes Band raratsada na sa Domination Concert 

SISIMULAN na ni Gigi De Lana at ng The Gigi Vibes band ang kanilang Domination tour sa kauna-unahang physical concert ng ABS-CBN Events sa loob ng dalawang taon sa Newport Performing Arts Theater sa Resorts World Manila sa Sabado (March 5), 8:00 p.m..

Susundan agad ito ng kanilang Middle East tour na gaganapin sa Jubilee stage sa Expo 2020 sa Dubai sa March 12 (Sabado) katulong ang DTI, sa National Theatre of Abu Dhabi sa March 18 (Biyernes), at sa Crowne Plaza Bahrain sa March 25 (Biyernes) katulong ang Filipino Club Bahrain.

Magkakaroon din ng special streaming sa KTX.ph ang Domination sa April 23 (Sabado) tampok ang Manila concert at ilang eksena mula sa Middle East tour.

Excited na si Gigi na kumanta sa harap ng live audience para sa kanyang unang major concert. Aniya, “Nilu-look forward ko ‘yung feeling na makakantahan mo ang mga tao, ‘yung matitingnan mo sila sa mata nila, na makukuwentuhan mo sila habang kumakanta ka. ‘Yun ang best feeling kapag kumakanta ako.” 

Ikinuwento rin ng new gen pop rock diva na aawitin niya nang live ang mga kanta mula sa kanyang album sa kauna-unahang pagkakataon para maghatid ng good vibes sa kanilang fans. “Gusto naming mag-dominate ng good vibes sa buong mundo,” ani Gigi. 

Makakasama ni Gigi at ng Gigi Vibes band si Jed Madela bilang special guest.

Pagkatapos maging viral sensation noong 2021, tuloy-tuloy na nga ang karera ni Gigi na kamakailan ay naglunsad ng kanyang self-titled debut album tampok ang hit song na Sakalam. Siya rin ang nagbigay-buhay sa Nasa’yo Akona official soundtrack ng Viral Scandal at Bakit Nga Ba Mahal Kita na OST naman ng Hello Heart.

Mabibili pa rin ang Domination tickets para sa Newport Performing Arts Theater sa Ticketworld sa halagang P8,000 (platinum), P7,000 (SVIP), P6,000 (VIP), P5,000 (gold), P3,500 (silver), at P1,500 (bronze). Samantala, mapapanood ito sa April 23 sa KTX.ph sa halagang P695 (SVIP), P495 (VIP), at P195 (regular).

Panoorin ang Gigi De Lana Lana and The Gigi Vibes: Domination concert ngayong Sabado (March 5), 8:00 p.m. sa Newport Performing Arts Theater.

About hataw tabloid

Check Also

Benz Sangalang

Benz nagtiyaga sa kamote para magka-abs

HARD TALKni Pilar Mateo NAGKABUKINGAN ba ng mga sikreto nila ang mga artistang mapapanood sa …

Globe Prepaid Virtual Hangout GaWatch Filmlab

Erik, Jade, JP, at Antoinette magbibigay workshop sa GoWatch Film Lab

I-FLEXni Jun Nardo ANG mga bigatin at acclaimed directors na sina Erik Matti,  Jade Castro, JP …

Lovi Poe Susan Roces

Lovi sa pagkawala ni Manang Inday — truly lost a gem

I-FLEXni Jun Nardo NAGBIGAY-PUGAY si Lovi Poe sa pumanaw na si Susan Roces.  Mabigat ang puso niya sa …

Denise Esteban

Paghuhubad ni Denise may blessing ng magulang

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio “WALANG masama sa paghuhubad!’ Ito ang matapang na tinuran ng dating P-Pop …

Loisa Andalio Ronnie Alonbte Loinie

LoiNie ipon muna bago engagement  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio IPAGDIRIWANG na nina Loisa Andalio at Ronnie Alonte ang kanilang 6th anniversarysa November pero …