Thursday , May 26 2022
Mhae Sarenas Rey Valera

Rey Valera The Musical pinaplano na

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

ISA kami sa natuwa nang ibalita ni Ms Mhae Sarenas ng Echo Jam na ibinigay sa kanya ng magaling na singer, songwriter, music director, film scorer at television host na si Rey Valera ang karapatan para iprodyus ang Rey Valera The Musical.

Naikuwento ito ni Ms Mhae pagkatapos ng isinagawang thanksgiving mass sa The Diocesan Shrine & Parish of Immaculate Concepcion-Malabon kasama ang ilang miyembro ng SPEEd (Society of Philippine Entertainment Editors). At habang kumakain ng lunch sa kanilang restaurant, ang Bubbli-Moo’re napagkuwentuhan namin ang mga ipino-prodyus niyang show. At nabanggit niya ang ukol sa plano ng magaling na singer.

Ani Ms Mhae, “in-offer sa akin ni Rey Valera na gawin namin ang mga kanta niya, iyong ‘Rey Valera Musical’, Bale si Eric Ramos ang magsusulat at napag-usapan namin na magpapa-audition kami para sa mga gaganap sa musical play.”

At kung magtutuloy-tuloy na normal ang sitwasyon, posibleng tumakbo ang musical play sa loob ng isang buwan. 

Nakaka-excite siyempre kasi Rey Valera ito. Iba talaga ‘yung mga kanta niya. Pinaka-favorite ko ‘yung ‘Kahit Maputi Na Ang Buho Ko,’” pagbabahagi pa ng producer ni Rey sa ilan nilang concerts nina Nonoy ZunigaMarco Sison at iba pa.

May pagka-love story tiyak ang tema ng musical play dahil karamihan ng kanta ni Rey ay love songs. Siyempre hindi natin makakalimutan ang Mr. DJ na kinanta ni Sharon Cuneta na si Rey din ang sumulat gayundin ang mga awiting Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko, Ako Si Superman, Maging sino Ka Man, Kung Kailangan Mo Ako, Naaalala Ka at iba pa.

Ang balak pa lang ni Rey gawin ito sa maliit na venue tulad ng Teatrino Promenade,” ani Ms Mhae. “Sinabi pa nga niya, ‘mag-e-expect tayo ng malaki tulad ng Solaire kaso hindi pa alam ang crowd (kung papasukin). So ang maganda mag-umpisa tayo sa maliit para kung mapuno iyan matutuwa tayo.’ Siya ‘yung nagbibigay ng ideas.

Pero sure na magpapa-audition kami,” sambit pa ni Ms Mhae.

Sinabi pa ni Ms Mhae na gusto niya ring isabay ang launching ng libro ni Rey sa musical play. “Ibinigay niya sa akin ang rights to produce. Sabi ko sa kanya isabay na rin ang book niya kasi ang alam ko tapos na eh, ito ‘yung autobiography niya. 

“Sinabi pa niya (Rey) na iyong mga kanta niya ang legacy niya na maiiwan niya sa buong mundo. Sabi niya, ‘ako hangga’t ganito medyo malakas pa ako kumakanta pa ako, may maiiwan ako, gusto ko may maiiwan ako, at inihahabilin ko ito sa iyo.’”

Kakausapin daw ni Rey si Sharon kung papayag na mag-apir ito sa musical play. Marami rin kasing komposisyon si Rey na inawit ng Megastar tulad ng Ngayon At Kailanman, Maging Sino Ka Man, Tayong Dalawa, Malayo Pa Ang Umaga at marami pang iba. 

Ayaw din ni Rey ‘yung mga singer o artistang may attitude. Kailangan may disiplina sa teatro at ‘yung hindi masyado mataas ang presyo. Kaya kailangan magpa-audition na lang dahil marami naman ang tiyak na mag-o-audition. At ‘yung kanta naman ni Rey ang ibebenta hindi ‘yung artista,” sambit pa ni Ms Mhae na bukod sa pagpo-produce ng concerts here and abroad ay mayroon ding events place  ang JMJ Events Place and catering services na matatagpuan sa itaas ng kanyang Bubbli-Moo’re sa 1470 Malabon. 

Naku sana nga ay matuloy itong Rey Valera The Musical dahil tiyak na tulad ng Rak of Aegis papatok din at marami ang manonood.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Running Man

Bagong reality show mula South Korea aarangkada na

I-FLEXni Jun Nardo WALA nang urungan ang pag-ere ng biggest reality game show sa South …

Kylie Padilla Bolera

Kylie perfect comeback ang Bolera 

I-FLEXni Jun Nardo WALANG nadamang pressure at confident si Kylie Padilla sa comeback teleserye niya sa primetime …

Blind Item, Man Leaving Sad Woman, magandang aktres

Male star kompirmadong gurl

HATAWANni Ed de Leon “KUNG hindi siya bading, bakit siya ‘nag-land of the morning’ noong …

Joshua Garcia Trina Guytingco

Joshua nilinaw ‘di niya syota si Trina Guytingco

HATAWANni Ed de Leon NILINAW ni Joshua Garcia na hindi niya syota kundi tinukso lang sila ni Trina …

Angeli Khang Sharon Cuneta

Sorry Sharon mas feel na ng netizens si Angeli Khang

HATAWANni Ed de Leon MARAMING observers ang nagsasabi, iyon daw nakaraang eleksiyon ay sobrang maraming …