Friday , May 27 2022
Albie Casino Christine Bermas Kit Thompson Joel Lamangan

Kit naka-‘score’ kay Direk Joel

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

KILALANG terror na direktor si Joel Lamangan. Terror sa mga hindi makakuha ng instruction niya at hindi propesyonal sa kanilang trabaho. Kaya malaking bagay sa isang artista na mapuri ng isang Joel Lamangan.

Tulad ni Kit Thompson, puring-puri siya ni Lamangan at sinabing malayo ang mararating nito. Si Kit ang isa sa tatlong leading man ni Christine Bermas sa suspense-drama-thriller na Moonlight Butterfly na isinulat ni Eric Ramos

Kasama rin sa pelikula sina Albie Casino at Ivan Carapiet gayundin sina Jolo Estrada, Tanya Gomez, Quinn Carillo, Gigo de Guzman, at Hershie de Leon.

Kit is very professional, very cooperative, all out siya sa pagiging daring, no questions asked. He’ll get far in this business,” sambit ni Lamangan sa isinagawang digital media conference ng bagong aabangang Vivamax original, ang Moonlight Butterfly na streaming na sa March 18.

Samantala hindi naman naranasan ni Kit ang pagiging terror director ni Lamangan.

Actually, I didn’t experience ‘yung pagiging terror director niya. It’s actually an honor working with direk Joel. It’s a very memorable experience for me as I’ve always wanted to work with him since I started acting. 

“I’m flattered sa mga sinabi niya about me and I’m glad that I gave him a good impression. I’m really serious with my job, with my craft and I appreciate working with good directors like him,” sambit ni Kim.

Si Kit si Elliot sa Moonlight Butterfly.

I play Elliot, an American diplomat who’s also a widower. I fall in love with Christine Bermas as Eunice, a streetwalker in Angeles City. I offer to help get her out of her poverty. Her mother has kidney disease and I even help in arranging for her to get a kidney transplant,” esplika ni Kit sa kanyang karakter sa pelikula.

Isa ring undercover CIA agent si Elliot at hindi iyon alam ni Christine.

Isang prostitute si Eunice (Christine) na siyang bumubuhay sa kanyang pamilya. Pinag-aaral din niya ang kanyang boyfriend (Albie) sa pag-asang kapag nakatapos ay maiaahon na sila sa hirap.

Hanggang sa makilala na nga niya si Elliot na siyang bubuhay sa kanyang pamilya.

Sinabi ni Direk Joel na magsisimula sa romantic drama ang pelikula at magtatapos bilang suspense-spy-thriller.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Bea Alonzo spain house

Pagbili ng apartment ni Bea sa Spain sisiw lang sa aktres

REALITY BITESni Dominic Rea SISIW lang o barya lang para kay Bea Alonzo ang halaga ng binili …

Xian Gaza Barbie Imperial

‘Lampungan’ sa socmed nina Barbie at Xian saan mauuwi?

REALITY BITESni Dominic Rea MAY patutunguhan ‘yang ‘lampungan’ sa social media o exchange of words …

Cara Gonzales Ikaw Lang Ang Mahal

Cara Gonzales palaban bilang direktor na pokpok

HARD TALKni Pilar Mateo ANO ba ‘yung pinanood ko? Ibang klase talaga itong si Direk Richard …

Sylvia Sanchez Lee Jung-jae

Sylvia nakadaupang palad si Lee Jung-jae

PROUD na ibinahagi ni Sylvia Sanchez sa kanyang social mediaaccount ang picture nila ng Korean superstar na …

Regine Velasquez Moira dela Torre Gary V Chito Miranda

Regine, Moira, Chito, at Gary mga hurado ng Idol Phils Season 2

NAGBABALIK ang pinakamalaking singing competition sa bansa, ang Idol Philippines  sa ikalawang season nito kasama ang minahal …