Friday , May 27 2022
Wendell Ramos Saviour Ramos

Wendell ayaw pag-artistahin ang anak na si Saviour

RATED R
Rommel Gonzales

ISA sa promising talents ngayon ng Sparkle GMA Artist Center si Saviour Ramos, anak ng former Bubble Gang star na si Wendell Ramos.

Pinasok na rin ni Saviour ang mundo ng showbusiness nang pumirma ito ng kontrata sa Sparkle noong September 2021, sa grand Signed for Stardom event.

Sa exclusive interview ng GMANetwork.com sa Kapuso heartthrob, sinagot niya ang tanong kung pumayag ba agad ang Daddy Wendell niya nang sabihin niyang mag-aartista rin siya.

Kuwento ni Saviour, tila malamig ang reaksiyon noong una ng kanyang ama sa desisyon niya. Bakit kaya?

Paliwanag ng newbie actor, ”Feeling ko po si Papa kasi dati lagi niya sinasabi na ‘Huwag na kayo mag-showbiz, huwag na kayo mag-showbiz.’ Pero ‘yun ‘yung motivation niya. Feeling ko sinasabi niya ‘yun para makita niya kung gusto po talaga namin maging artista.

“So ‘pag gusto po namin maging artista talaga makikinig po kami sa kanya. So ganoon po ginawa niya, tine-test niya po kami na every time na may VTR po ako noon, for example dati nakuha po ako sa commercial, 12 years old ako.”

Dagdag ni Saviour, “Ayaw niya, ayaw niya po. Nagagalit siya kunwari, ‘yun pala motivation pala ‘yun. ‘Tingnan ko nga ‘tong anak ko, kung gusto talaga pumasok sa industriya.”

Nang mapatunayan niya na determinado na siya maging artista, doon na nagsimulang ibinahagi ni Wendell ang payo at paalala nito sa papasuking mundo.

Pagbabalik-tanaw ng Sparkle hottie, “So ayun po noong nakita niya gusto ko po talaga, ayun na, nandoon na po ‘yung mga turo niya po talaga sa amin na magkapatid na matagal niya po yatang iniipon.”

Kahit anak ng isang kilalang showbiz personality, hindi naiisip ni Saviour na may advantage siya sa iba niyang kasabayan sa GMA-7.

Kaya naman pursigido ito na tutukan at hasain ang kanyang talent sa tulong ng mga workshop ng Sparkle.

Ano-ano kaya ang nakikita niyang puwede i-improve sa sarili this 2022?

Pag-amin ni Saviour, “Being an actor po kailangan mo po i-improve lahat every day, challenge po ‘yan every day. Pero, specifically ang pinakagusto ko po talaga is drama.

“And gusto ko rin i-improve pa ‘yung singing skills ko, kasi I write songs din po and gumagawa ako ng songs mismo.”

About Rommel Gonzales

Check Also

Kathryn Bernardo Family

Kathryn Bernardo ambassador na ng Biogesic

IKINASIYA at ikinakilig ni Kathryn Bernardo ang pagiging health ambassador ng pinaka-pinagkakatiwalaang brand para sa sakit ng …

Marian Rivera Rhea Tan Bea Alonzo Beautederm

Ms. Rhea Tan super-kilig na may Marian na, may Bea pang endorsers ang Beautederm

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AMINADO angPresident at CEO ng Beautéderm na si Ms. Rhea …

Xian Lim Barbie Imperial

Xian nagpaliwanag sa kumakalat nilang litrato ni Barbie 

MA at PAni Rommel Placente BINIGYANG linaw ni Xian Lim sa interbyu sa kanya ng pep.ph ang pang-iintriga sa kanila ni Barbie Imperial dahil sa kumalat na litrato nila habang nasa lobby ng isang …

Vince Tañada Ang Bangkay

Vince umaasang maisasali sa mga filmfest abroad ang Ang Bangkay

HARD TALKni Pilar Mateo SINO Ang Bangkay!  Si Don Segismundo Corintho, ang biyudong embalsamador. Na ginagampanan ni Vince …

Kris Aquino Lolit Solis

Lolit Solis naiyak sa sulat ni Kris Aquino

MA at PAni Rommel Placente SABI ni Lolit Solis noong kaarawan niya, May 20, nagpadala sa kanya …