Thursday , May 26 2022

Pondo vs CoVid-19, dinambong sa tungki ng ilong ni Digong
DUTERTE, DUQUE ‘TRAIDOR,’ PHARMALLY ‘LINTA’
Plunder patong-patong na kaso, rekomendado ng Senado

020222 Hataw Frontpage

 ni Rose Novenario             

I HATE corruption.”

Madalas itong sambitin ni Pangulong Rodrigo Duterte mula nang maupo sa Palasyo.

Ngunit sa ulat ng Senate Blue Ribbon Committee, sinabing naganap sa ‘tungki ng ilong’ ng kasalukuyang Punong Ehekutibo ang pinakamalalaking pandarambong sa kaban ng bayan sa kasaysayan ng Filipinas.

Nakasaad sa partial committee report sa 2020 Commission on Audit (COA) ang paggasta ng Department of Health (DOH) sa pondo para labanan ang CoVid-19, partikular ang pagkorner ng Pharmally Pharmaceutical Corporation ng P12-bilyong  halaga ng medical supplies contract.

Pero imbes tulungan ang Senado sa imbestigasyon, mas pinili ni Duterte na siraan ang COA, pagbantaan ang Senado at ang mga senador na nagsusulong nito.

            Ayon sa report, nagtayo rin si Pangulong Duterte ng mga balakid, at inabuso ang kanyang kapangyarihan nang pagbawalang dumalo ang mga opisyal ng sangay ng ehekutibo sa pagdinig ng komite, na naglalayong pigilan ang isang co-equal branch na matuklasan ang katotohanan, sagkaang maibulgar ang graft and corruption, at hindi mabisto ng taong bayan ang masasamang gawain ng ilang opisyal ng kanyang adminsitrasyon.

“The tragedy in all of these is the realization: that all these acts of malfeasance, misfeasance, and /or non-feasance were consummated and undertaken with brazenness under the nose of the President,” saad sa report.

“The amounts involved in the dirty transactions were enormous, producing a stench that would have been impossible to ignore in Malacañang. The President as Chief Executive should have known what his appointees and friends were doing,” dagdag sa ulat.

Sakaling hindi batid ito ng Pangulo, bago ang imbestigasyon ng Senado, mas pinili niyang ipagtanggol at protektahan ang malalapit sa kanya na nagsamantala sa kaban ng bayan.

“The President thus betrayed the public trust, in violation of his oath of office under the 1987 Constitution,” diin sa ulat.

Kabilang sa mga naging paglabag ng Pangulo ay nang italaga niya si Michael Yang, isang dayuhan, bilang Economic Adviser to the President noong 2018; at nagpakilala si Yang ng mga Chinese supplier para makipagtransaksiyon sa gobyerno, na nagpayaman sa kanya.

Sinabi sa report, tinanggap ng Pangulo ang isang undercapitalized corporation na pagmamay-ari ng isang puganteng Taiwanese na konektado kay Yang at mamayagpag sa pagsu-supply ng CoVid-19 supplies sa pamahalaan.

Pilit din siniraan at pinagbantaan ng Pangulo ang COA sa kabila ng tungkulin nitong magsagawa ng audit sa lahat ng ahensiya ng gobyerno.

Sinubukan ng Pangulo na sirain ang kredibiliad ng Senado sa pamamagitan ng pag-atake at pambabastos sa institusyon upang magmukhang inutil sa pag-iimbestiga ng korupsiyon.

Tumanggi ang pangulo na habulin ang kanyang appointees kahit may obligasyon silang dumalo sa pagdinig ng komite.

“Unfortunately, based on the President’s own behavior, one cannot help but conclude that he was aware of, allowed, and condoned the misdeeds of his closest associates and appointees. For this he must be held accountable.”

Inirekomenda ng komite, ang pagsasampa ng kasong paglabag sa Plunder Law at Anti-Graft and Corrupt Practices Act laban sa mga dating opisyal ng Procurement Service-Department of Budget and Management (PS-DBM) na sina Lloyd Christopher Lao at Warren Rex Liong, Dickson Panti, mga opisyal ng Pharmally na sina Linconn Ong, Mohit Dargani, Twinkle Dargani, Krizle Grace Mago, Huang Tzu Yen, Michael Yang, at Lin Weixiong at Health Secretary Francisco Duque III.

Kasong estafa laban kina Krizle Mago at Mohit Dargani; kasong frauds against the public treasury, at ibang kahalintulad na kaso laban kina Lao at Liong.

Nais din ng komite na maasunto ng kasong perjury sina Yang, Ong Mago, Dargani at Quezon City congressional bet Rose Nono Lin.

Kasong falsification of public documents laban kina Liong, Jorge Mendoza, at Mervin Ian Tanquintic.

Kasong paglabag sa Bayanihan to Heal as One Act laban kina Yang, Wixiong, Ong, Dargani at Mago; disobedience to summons issued by Congress laban kina Ong, Dargani at Yang; kasong paglabag sa Revised Corporation Code laban kina Yen, Twinkle at KMohit Dargani, Ong, Mago at Wexiong.

Kasong paglabag sa Government Procurement Act laban kina Lao, LIong, Yren, magkapatid na Dargani, Ong, Mago at Weixiong.

Gusto rin ng komite na ipa-deport sina Yang, Weixiong at Qing Jin Ke.

Walang kibo ang Malacañang sa partial report ng Senate Blue Ribbon Committee hanggang kagabi at wala rin sa schedule ng Pangulo ang kanyang regular na Talk to the People.

About Rose Novenario

Check Also

riding in tandem dead

Sa Tuao, Cagayan
BARANGAY CHAIR TODAS SA TANDEM

PATAY ang isang barangay chairman na sakay ng kanyang motorsiklo nang barilin ng hindi kilalang …

explode grenade

Sa San Ildefonso, Bulacan,
BAHAY NG KAPITAN HINAGISAN NG GRANADA

NAWASAK ng shrapnel mula sa inihagis na granada ang ilalim ng pick-up truck, pag-aari ng …

Bulacan Police PNP

6 MWPs sa Bulacan isa-isang naihoyo 

ISA-ISANG nahulog sa kamay ng batas ang anim na kalalakihang pinaghahanap ng batas at sinasabing …

rape

Call center agent na katagay hinalay
TEACHER ARESTADO

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang lalaking guro matapos ireklamo ng panghahalay sa isang dalagang …

road traffic accident

Nasipa ng baka
RIDER NASAGASAAN NG TRUCK, PATAY

ISANG rider ang binawian ng buhay nang masagasaan ng isang truck matapos masipa ang kaniyang …